Chapter 2

2.8K 169 13
                                    

-Love Doesn't Exist-

CHAPTER 2.


Kasalukuyan akong nasa park ngayon. Naglilibot at nagpapalamig, Nag-iisip din kung ano bang dapat kong gawin. Umaga pa ngayon kaya wala pa masyadong tao sa park, Kadalasan ay hapon ang dagsaan ng tao rito.






Hindi ko na sinama si Icah, alam kong sagabal lang siya sa pag-iisip ko. Nakaupo ako dito sa may bench at pinapanood ang mga batang naglalaro sa swing. Pinagmamasdan ko lang sila, Nakakamiss ang pagkabata.






'Yung tipong iiyak ka lang dahil nadapa ka o di kaya pinagalitan ka ng Nanay mo. Pero ngayon, maiiyak ka nalang kasi ang sakit sakit na ng puso mo. Maiiyak ka nalang pag iniwan ka ng taong nakasanayan mong kasama araw araw. Tapos ngayon wala na siya.







Naalala ko noong mga bata pa kami ni Zander. Sampung taong gulang ako samantalang siya ay Labing isang taong gulang noong nagkakilala kami. Dito kami non nagkakilala dahil dito kami madalas napasyal ni Icah.






Nung unang makita ko palang si Zander ay napansin ko na agad ang taglay niyang kagwapuhan lalo na kapag ngumingiti. Nalabas ang dalawa niyang dimples sa magkabilang pisngi. Kaya na-attract ako sakanya at naging crush ko siya.






Naging magkalaro kami noon ni Zander at lagi na akong napunta dito sa park kahit hindi ko kasama si Icah. Nagpapahatid lang ako sa driver namin ng umaga tapos ay nagpapasundo ng hapon. Umaga hanggang hapon ay kasama ko si Zander na naglalaro.







Dumating sa point na ilang araw nang hindi nagpapakita si Zander sa park. Minsan pa nga ay ilang oras na akong nag-intay pero hindi siya dumating. Lumalim na kasi ang pagtingin ko para sakanya, Nagka-aminan kami ng feelings. At ang kinatutuwa ko ay parehas kami ng nararamdaman sa isa't isa.






Ilang taon ang lumipas, hindi ko inaasahang magiging schoolmate kami noong Highschool. Naging magkaibigan lang kami. Niligawan niya ako noong 17 years old ako. Sinagot ko pa siya mismo noong nag birthday siya.







Hindi ko nanaman namalayan na tumulo nanaman ang luha ko habang nakatingin sa mga batang naglalaro ng swing. Masyado nanaman akong nag e-emote na ang dapat kong isipin ay kung bibigyan ko ng another chance si Zander.






Naramdam kong may umupo sa tabi ko at agad akong napalingon rito. Nagulat ako nang nakita ko si Lui na nakaupo sa tabi ko. Nakatingin lang din siya sa mga batang pinag mamasdan ko.








"Saya bumalik sa pagkabata 'no?" Nakangiti niyang tanong tapos ay napasulyap siya sa'kin.




"Sino?" Sabi ko.






"Ha? Anong sino?" Tanong naman niya.






"Sinong kausap mo." Pang babara ko sakanya, imbis na mainis siya ay tinawanan niya lang ako.






Napatingin naman ako sa pagtawa niya, parehas sila ng tawa ni Zander tapos parehas din silang may dimples sa pingi. Ano ba 'to, parang kakambal ni Zander.









"Alisin mo nga 'yang dimples mo. Naiirita ako." Naiirita kong sinabi, napahawak naman ito sa pisngi niya.







"Haha, Bakit naman? Masyado ba akong gwapo?" Sabi nito, halos masuka suka naman ako sa sinabi niya.







"Yak! No way." Sabi ko habang nakatingin sa ibang kapaligiran.






Kamag-anak ba nito si Zander? Medyo magkamukha kasi sila. Lalo na 'yung mata at ilong tapos parehas may dimples. Wag naman sana.







Love Doesn't Exist (Matsona Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon