Wakas

3.8K 135 19
                                    

-Love Doesn't Exist-

WAKAS.

"Babalik ka ulit sa park?" tanong saakin ni Eric nang nakita niya akong muling nag-aayos para umalis.

I was about to go to park again, I've met a little girl who's crying dahil inasar daw siya ng mga bata roon kaya muli akong babalik doon para balikan iyong babae. Kawawa naman kasi at mukhang wala pa iyong kasama sa park, I'm not sure if nawawala ba siya or hindi pero parang ganoon na nga.

"Oo, I need to," seryoso kong sagot sakanya.

"Wews, crush mo ata iyong babae eh! Maganda ba?" panunukso niya pa saakin pero hindi ko iyon pinansin.

Oo, inaamin na nagagandahan ako doon sa babaeng nakita ko sa park kanina. She's really pretty even if she's still a kid, like me. Noong una ko palang siyang nakita kanina ay parang binihag na niya ang puso ko, the way she looked at me using her innocent face.

She looked like a princess, a lost princess who's crying for her mercy. At doon nga ako unang nagkacrush sa isang babae, at sakanya pa talaga.

"Anong pangalan mo?" I asked her nang bumalik ako sa park at nadatnan pa din siya noon.

She was crying ealier and I don't know why, I've been asking her but she didn't answer me na kahit anong sagot, busy lang siya sa paghikbi at halos hindi na nga ito makahinga dahil sa labis na pag-iyak. Naawa tuloy ako.

I tried to comfort her, itinabi ko ang kanyang buhok na nakasabog sa kanyang mukha kaya mas lalo ko tuloy nadepina ang kanyang buong mukha. Tama lang ang skintone niya at may tamang tangos ng ilong, her lips is heart-shaped, she also have a rossy cheek kahit na alam mong natural talaga at hindi dala ng makeup lalo na't bata pa ito para roon.

"Irene," finally after a while she answered me.

Irene. What a beautiful name, huh? I've never heard a name like that except from the books and other comics. Not very unique name but I think her name suit her very well.

Hindi pa din siya nag-aangat ng tingin saakin and I understand her. I'm just going to wait for a moment until she's okay, alam ko din na 'pag tinanong ko ulit siya kung bakit siya umiiyak ay baka hindi niya pa rin ako masagot.

Nanatili siyang ganoon at ako naman ay nakaupo sa tabi niya, I wonder where's her house so I can take her home. Tamang tama at kasama ko ang bodyguard ko, p'wede ko siyang mahatid sakanila kung nawawala man siya or 'di kaya naglayas siya sa kanila. The thought of her leaving their house is impossible, she's very young at sa tingin ko ay walong taong gulang palang ito.

Napangiwi ako sa sariling naiisip.

"Bakit ka andito? Wala kang kasama?" nagtataka kong tanong.

Imbis na sagutin ako ay hindi nanatili siyang nakayuko at muling sinabog ang buhok sakanyang mukha, agad ko itong hinawi dahil baka mas lalo siyang mahirapang huminga.

"I can bring you to your house, I have my bodyguard. At kung nawawala ka man, kami na ang bahala sa'yo para makabalik ka."

As I expected, she didn't answer me at ni-isang kibo ay wala siyang ginawad saakin. Tumango nalang ako sa sarili, I understand her, hindi ko naman kasi alam kung ano ang totoo nangyari pero nag-aalala lang ako kasi delikado rito. Posibleng may masasamang tao ang mapadpad dito lalo na publikong lugar ito.

"Don't worry, I'm not a bad person," agap ko sakanya dahil baka iniisip niya na kidnapper ako or ano, dahil alam kong baka sinabihan din siya ng kanyang magulang ng katagang "Don't talk to strangers."

Nanatili siyang nakayuko, hindi ko alam kung anong gagawin kong pag-papaamo sakanya para naman kausapin na niya ako. I'm really worried about her at hindi ko siya p'wedeng iwan rito dahil baka kainin ako ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sakanya!

Love Doesn't Exist (Matsona Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon