-Love Doesn't Exist-
CHAPTER 14.
Nagstart na ang fashion show, naka bikini kaming lahat dahil ito ang theme ngayon. Naka pony tail na din ang buhok kong mahaba at suot ko naman ngayon ang 8inches ko na heels.
Rumampa na ako papunta hanggang dulo ng stage. May napansin naman akong naka shades sa di-kalayuan na parang pamilyar sa'kin. Hindi ko nalang ito pinansin hanggang sa makarating na akong backstage.
"Damn! Ang gwapo nung lalaking naka shades kanina!" Bungad sa'kin ni Kendal na hinuhubad na ang kanyang heels.
"Sino kaya 'yun? 'Di ko nakita mukha kasi naka shades." Dagdag nito, tinawanan ko nalang siya.
"Ehem." Umubo si Francine, napatingin kami nila Kendal sakanya na nakataas nanaman ang isang kilay. Attitude talaga ang isang 'to, pwe!
"Sinong sinasabi niyong gwapo?" Tanong ni Francine sa'min.
"Hindi ko nga kilala 'diba?" Umirap si Kendal sakanya, nagkibit balikat naman ako sakanya.
"Si Lui ba? Oh well, He's here too." Nanlaki bigla ang mata ko nang sabihin 'yun ni Francine.
How did she know na andito si Lui? Baka nakita niya na magkasama kami kagabi? Oh no, this is trouble. Char.
"'Diba Irene? Andito din si Lui?" Nakangiti sa'king tinanong ni Francine, ngumiti ako sakanya ng plastik at tumango nalang ako.
After naming rumampa nagpunta muna kami sa kanya kanya naming room para magpahinga, may mangyayaring event pa kasi mamayang gabi.
"Sasampalin ko 'yang Francine na 'yan!" Sabi ni Paulo mula sa kabilang linya, tinawag ko kasi siya sa skype at kinwento ang lahat. Halatang inis ang kanyang mukha.
"Chill." Natatawa kong sinabi sakanya habang pinagmamasdan siyang galit na galit.
"How can i chill? Base sa kwento mo sa'kin tungkol sakanya ay talagang maiinis ako. Akala mo kung sino." Sabi niya at napahinga nalang ako ng malalim.
Maybe nagseselos siya sa'min ni Lui? Pero wala naman siyang dapat ikaselos kasi una sa lahat, wala namang kami. And hindi ko na din kasalanan kung hindi na siya binalikan ng ex niya.
Madami pa kaming pinag usapan ni Paulo, tungkol sa work ko at sa work niya. Binalita niya pa sa'kin na wala pa siyang natitipuhang lalaki sa NYC at feeling niya daw magiging straight na siya, well that's good for him para hindi masayang ang ka-gwapuhan niya.
Tinawag ako ni Keyra at sinabing may kaunting salo-salo ngayon sa restaurant kasama ang mga co-models. Celebration daw ito dahil nakarating kami dito at mukhang may magaganap na offer papuntang ibang bansa.
Andito na kami ngayon sa restaurant at kwentuhan usually habang kumakain. Ang katabi ko ay ang kambal, nasa tapat ko naman itong si Jewel na co-models ko.
"Again, be ready tomorrow. Y'all must be prepared. May dadalong mga judge at sponsors sa iba't ibang company." Sabi ni Joross, nastigilan ang lahat sa pagk'kwentuhan at lahat tumingin sakanya.
"Isa na dito ang Zotovera Company, sila ang may pinakamalaking company sa lahat sa perfume products." Sabi ni Denzel na katabi ngayon ni Joross.
BINABASA MO ANG
Love Doesn't Exist (Matsona Series #1)
RomanceMatsona Series #1 Irene Avylile Matsona, a typical broken hearted girl slash bitter. Her ex turned her into cold and stone hearted woman, but what if after her heartbreak is there a true love that will come, a true love that doesn't exist for her bu...