-Love Doesn't Exist-
CHAPTER 20.
I really can't believe this, pinapapunta niya ako sa condo niya because he's sick? Anong gusto niyang mangyari? Mahawa ako ng sakit niya para parehas na kaming may sakit ngayon? Oh my God.
No'ng una nag dadalawang isip pa ako pero habang nag mamaneho ako ay nakapag isip isip na ako, baka gusto niyang alagaan ko siya dahil baka wala siyang kasama sa condo. Ok lang naman sa'kin 'yon dahil wala din naman akong ginagawa sa bahay.
I receive a text from him, sinabi niya sa'kin na 10th floor ang unit niya. Hindi ko na siya nireplayan basta naseen ko na ang text niya sa'kin. Hindi nagtagal nakarating na ako sa condo.
Sumakay ako sa elevator at pinindot ang 10th floor, may nakasabay pa akong mga lalaking nakatitig sa'kin habang nasa loob. I don't care about them. Nakarating na ako sa floor kung nasaan si Lui, sinabi niya sa'kin kung saan siya sa 10th floor. Nag doorbell na ako.
Agad namang bumukas ang pinto at nakita ko siyang naka topless at naka shorts lamang, basang basa ang kanyang buhok na parang kakaligo lang. Pinapasok niya ako sa loob at pinaupo sa sofa.
"May sakit ka ng lagay na 'yan?" Nakataas ang isa kong kilay habang pinagmamasdan siya.
Mukha naman siyang malakas, nakaligo pa nga siya. Ngumisi lang siya sa'kin at sabay tumango, inirapan ko agad siya. Tumingin ako sa buong loob at malawak ang condo unit niya. May kusina, kwarto at may balcony pa.
"Nagugutom ka ba?" Tanong nito habang papunta sa kusina, sinundan ko naman agad siya.
"Hindi masyado.. ang lawak pala nito 'no?" Sabi ko habang natingin sa buong paligid.
Napatingin ako sa bintana. Kita do'n ang mga buildings,hotels at iba pa. Namangha ako sa mga nakita ko, nakikita ko din ang mga madadaming kotse sa baba. Sobrang ganda ng view dito lalo na't nasa 10th floor ka.
Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa'kin habang nakangiti, nawala tuloy ang tingin ko sa bintana at napatingin nalang sakanya. He looks so hot, his brown eyes is so freaking hot lalo na pag nakatitig sa'kin.
"Sabi mo may sakit ka?" Tanong ko habang umuupo sa sofa, pinagmamasdan ko naman ang kanyang abs na nasa harapan ko.
"Oo nga.." Tumango siya at tinaasan pa ako ng kilay, pumunta siya sa kanyang kwarto at nagsuot na ng damit.
Napahinga ako ng malalim nang sa wakas ay nakasuot na siya nv tshirt, baka kasi kung hanggang mamaya siya naka topless ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at tuluyan na akong malusaw sa harap niya, i really hate this feeling.
"Hindi ka naman mukhang may sakit." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, kumunot naman ang noo niya habang inaayos ang buhok.
Tinignan ko naman ang mukha niyang namumutla, muli siyang umubo at tinalikuran ako. Baka nga may ubo't sipon siya dahil naulanan kami kagabi. Pero ba't ako naman ay hindi manlang sinipon or inubo.
So ano ba talagang purpose niya at pinapunta niya ako rito? Para kaawaan siya dahil may sakit siya? Gusto niyang alagaan ko siya? Parang hindi ko ata kayang gawin 'yon, baka hindi ko lang mapigilan ang sarili ko.
"Pagtimpla mo akong kape." He pouted.
Wtf? Seriously? Pagtitimpla ko siyang kape? He must be kidding, why would i do that? Para siyang baby na nagpapatimpla ng gatas sakanilang ina, gano'n ang itsura ngayon ni Lui.

BINABASA MO ANG
Love Doesn't Exist (Matsona Series #1)
RomanceMatsona Series #1 Irene Avylile Matsona, a typical broken hearted girl slash bitter. Her ex turned her into cold and stone hearted woman, but what if after her heartbreak is there a true love that will come, a true love that doesn't exist for her bu...