Chapter 25

1.1K 93 4
                                    

-Love Doesn't Exist-


CHAPTER 25.


Hindi ko mawari kung anong mayroon sakanyang reaksyon kaya napakunot noo ako sakanya, sinasabi ko na nga ba at dapat hindi ko na sinabi ang mga ito dahil sa huli alam kong magsisisi din ako.



Dahil gano'n naman ako lagi, nasa huli ang pagsisisi. Tsaka ko lang mapagtatanto na sobrang mali pala iyong ginawa ko. Ewan, baka natatakot lang ako sa maaaring maging reaksyon niya ngayon.



Umangat ng konti ang kanyang labi at ngumuso agad siya na parang may pinipigilang mga ngiti sakanyang labi, hindi ko alam kung nangingiti siya dahil natutuwa sa sinabi ko or natutuwa dahil hindi siya naniniwala.



"Is that.. t-true?" nanliit ang mata niya at parang pinipigilan talaga ang kanyang pag-ngiti.



"Kung ayaw mo, 'di wa-"


Magsasalita pa sana ako pero naputol na nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit, sobrang higpit at nararamdaman ko na masaya naman siguro siya. Well, sana nga masaya siya sa sinabi ko.



Narinig ko ang kanyang kaunting mura na para bang sobrang tagal niyang hinintay itong pagkakataon na ito at sa wakas ay sinagot ko na siya. Boyfriend ko na siya, ibig sabihin. Akin na siya simula ngayon, wala ng iba kung hindi siya lang.



Dahil siya lang talaga, siya lang ang nakapag paramdam saakin ng ganito, siya lang ang unang lalaking minahal ko ng ganito, siya lang ang nagparamdam sa'kin tulad nito. That's only him who can changed me.



Sinabi ko sa sarili ko, hindi na ako magmamahal pang muli dahil takot na akong masaktan. Guess what? I only ate those words, hindi nagtagal eto ako ngayon, muling susubukang umibig.



Sana.. siya na talaga ang para sa'kin dahil wala na akong hihilingin pa kung hindi siya lang at wala ng iba. Binago niya ako, binago niya ang buhay ko. Naintindihan niya ako noong mga panahong sariwa pa ang pagkasira ng aking puso.



At ngayon, masasabi kong muli niyang binuo ang dinurog na puso ng kanyang kapatid. Binuo niya muli ako at sobrang buong buo, to the point na wala ng makakasira pa rito.



Sobrang saya ko ngayon, lahat na yata ng mga araw na kasama ko siya ay lahat espesyal sa'kin. I'd rather treasure this memories so that I can not forget it kahit hanggang sa pagtanda namin, aalalahanin ko ang lahat ng ito. Kung paano niya binuo ang puso ng babaeng durog durog na.



Hindi pa rin mawala ang ngiti sakanyang labi, masasabi mong talagang sobrang saya niya dahil sa wakas girlfriend na niya ako. Parang kay tagal na niya itong hinangad. No wonder, noong una palang kasi naming pagkikita parang gusto na niya ako no'n.



At hindi ko malilimutan ang mga panahong pinagtagal niya ako sa bar at inakalang binabastos ako ng isang kaibigan, noong nalasing ako dinala niya ako sa bahay. Wala siyang ginawang masama. I can feel his so much respect towards me.



It made me turned on, sa t'wing inaalala ko ang lahat. Hindi ko na mapigilan ang ngumiti. Hinihiling ko lang na sana ang kasiyahan kong ito ay walang kapalit na lungkot, sana pang-samantagal na itong kasiyahan ko lalo na't kasama ko siya.



I remember the first time I met him, sa gym iyon. Naalala ko kung paano niya ako titigan at kung paano ako nalusaw sa mga titig niyang iyon pero nang mga panahong iyon ay durog pa ako, kaya inignora ko lang siya.



Hindi ko alam na, kung sino iyong taong nireject ko, siya pala itong parang nakalaan para sa'kin. Feeling ko ibinigay siya sa'kin ng nasa itaas para muling buuin ang puso ko.



Love Doesn't Exist (Matsona Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon