Chapter 23

959 84 0
                                    

-Love Doesn't Exist-


CHAPTER 23.


Hindi ko kailangan sirain ang buhay ko dahil lang sa iniwan ako ng isang tao, iyan ang napagtanto ko ngayong araw na ito. Nagsisisi ako kung bakit ko ba inasaisip na lahat ng lalaki ay manloloko? Gayong tama sila na hindi naman lahat ng lalaki ay gano'n.



Nagkamali ako kay Lui, inisip ko na katulad lang din siya ng kanyang kapatid na iiwanan lamang ako, na sasaktan lang ako at paiiyakin. Doon ako nagkakamali, sobra kong pinagsisihan iyon.



Ewan ko ba kung bakit iyon ang naging mindset ko sa buong buhay ko, na ang lahat ng lalaki ay pare-parehas lang na manloloko. Pero sino nga naman ako para sabihing lahat sila ay manloloko at wala ng natitirang matino?



Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ito. I feel peace, malaya ako sa lahat. Walang problemang tinatahak, masaya lang parati at hindi na kailanman umiyak pa.



Minsan naiisip ko na sana, sana walang kapalit itong kasiyahang nararamdaman ko. Minsan kasi sa sobrang kasiyahan mo, agad agad na may lalapit na kalungkutan at ang kalungkutan na iyon ang sisira sa'yo ng sobra. Sobrang kabaligtaran ng kasiyahang naramdaman mo.



Ang dating Irene na, laging umiiyak, naging sarado ang isip, naging makasarili, nawalan ng pake sa buong mundo. Hindi ko alam na may isang lalaking dadating sa buhay ko para baguhin ko. He succesfully changed me into better person.



Sana, pansamantagal ito, sana siya na nga ang tamang lalaking iniintay ko sa buong buhay ko. Dahil hindi ko na alam kung anong mangyayari saakin kung sakaling mawala siya sa buhay ko, baka ikasira pa ito ng puso kong kahihilom lamang.



Naghanap kami ng magandang restaurant 'di kalayuan sa park, napag pasya naming dalawa na kumain muna kami ng tanghalian nang sa gano'n ay hindi kami mapagod para mamaya pa sa pamamasyal.



Ang necklace na iyon, sinuot ko na sa aking leeg. Siya pa mismo ang nagsuot, hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagyuko para titigan itong nasa leeg ko. It was so elegant necklace with a heart on it, the pink heart.



Siya din ay sinuot ang kanya at ako pa mismo ang nagsuot nito sakanya, kulay blue naman ang kanya at saktong sakto ito para sa mag-couple na necklace. Kahit pa, hindi pa naman kami.



Pagkatapos naman naming kumain, nagpahinga lang muna kami ng ilang minuto bago tumulak sa isang amusement park naman. This is just a simple date, yet the best for me so far. I'd rather date with him in a simple place than the other.



Masasabi kong, ibang iba talaga siya. Mas gugustuhin niya ang date sa isang simpleng lugar as long as we're enjoying. Mamaya daw kasi sa isang amusement park ay may mangyayaring fireworks display mamayang gabi.



Sumakay kami ng iba't ibang rides, kahit medyo nakakatakot ay nahihiya akong sumigaw dahil andito siya sa tabi ko at nakatitig lamang sa'kin. I tried myself para hindi umirit pero wala akong nagawa.



After the two rides, we ordered some popcorn para sa meryenda namin. I'm a little bit tired dahil sa nasakyan rides namin kaya magpapahinga muna kami sa isa sa mga bench dito 'di kalayuan sa huli naming sinakyan.



"Did you enjoy?" He said while eating popcorn.



I nodded, "Yes, ikaw?"



Kinakabahan ako, baka napipilitan lang siya na dito ako dalhin dahil ako ang nag-request nito at pumayag naman siya. Naiisip ko nga na baka ayaw niya sumakay sa mga extreme rides?



Love Doesn't Exist (Matsona Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon