Chapter 15

948 107 2
                                    

-Love Doesn't Exist-

CHAPTER 15.


Kalmado akong bumalik nang backstage, i was expecting for this na makikita ko siya at makikita niya ako. Nang nakita ko siya kanina ay halos mapawi ang ngiti sa labi ko, ilang segundo kaming nagkatitigan pero agad iyong nawala.

"Ok ka lang?" Tanong ni Keyra, tumango na lamang ako sakanya.


Dumaretso na muna kami sa hotel para sa break, sobrang nakahinga ako ng maluwag nang wala na palang gaganapin mamaya. Ibig sabihin aalis na din dito ang pamilyang Rivera. Thank God.



Kumain kami nila Keyra sa isang restaurant dito sa beach, nag-aaya pa nga sila kung pwede daw ba kaming pumunta sa kabilang isla dahil maganda din daw doon. Sana nga lang ay payagan kami.



Naaninag ng gilid ng mata ko si Lui na nakatayo sa labas at may kasamang babae, kung hindi ako nagkakamali ay si Francine 'yung kasama niya. Isang sulyap lang ang ginawa ko sakanila at ibinaling agad ito sa pagkain.



Pagkatapos naming kumain ay nag gala gala muna kami sa paligid kasama ang iba pang mga models, kanya kanya sila ng mga pinupuntahan samantalang ako ay solo dito sa tabi ng coconut tree. Pinagmamasdan ko ang buong kapaligiran at sobrang matiwasay dito.



Para akong nasa maldives at ang linis ng kulay ng tubig dagat, may ibang tourist dito pero kakaunti lamang sila. Hindi pa naman summer kaya wala pa masyadong tao dito pero pagdating ng summer ay siguradong dagsaan ang tao dito. Mala-maldives ba naman ang lugar na ito.




Huminga ako ng malalim at pinuntahan sila Keyra na ngayon ay may hawak hawak na camera. Gustuhin ko mang magtagal dito pero gusto ko na ding umalis dahil andito siya, alam kong mag bo-book sila ng hotel at hindi agad aalis dito.




Ano kayang naramdaman niya noong nakita niya ako? Bumalik na ba ang lahat? Narealize na niya ba? I'm just imagining things that won't happen. Dapat ay hindi nalang ako nag iisip ng ganon at dapat focus ako sa work ko rito.



Pinagmamasdan ko lang silang lahat na masaya at mukhang nag e-enjoy, Bakit ba hindi ko kayang maging masaya? I should be happy today pero hindi ko kaya, may kung anong bumabagabag sa isip ko at hindi ko alam kung bakit.




Tinanong na namin sila Joross kung pwede daw ba kaming sumakay ng bangka papunta sa kabilang isla, pumayag naman sila kaya eto ay inihahanda na ang bangkang sasakyan namin.




May dala dala akong bag kung saan nakalagay ang mga gamit ko at ganon din ang iba. Dumating na ang bangkang sasakyan namin papunta sa kabilang isla at isa isa na kaming sumakay dito.




Katabi ko ngayon si Keyra na nakaupo at tahimik lamang habang pinagmamasdan ang dagat, nagsimula ng umandar ang bangka at napakapit nalang ako sa gilid nito. Pinagmamasdan ko ang ilalim ng dagat ay may nakikita pa akong mga isda.




Napaawang ang bibig ko habang tinitignan ang ilalim ng dagat, napakaganda talaga nito at hindi nakakasawang tignan lalo na ang mga isda sa ilalim nito.



Hindi nagtagal nakarating na kami sa kabilang isla, mga sampu lang kaming sumama at nagpaiwan 'yung iba sa isang isla. Pagbaba namin ng bangka ay nagsitakbuhan sila sa magagandang tanawin hawak ang kanya kanyang cellphone.



Kinuha ko din ang phone ko at nagsimulang picturan ang mga magagandang tanawin dito. May mga maliliit na kubo at walang restaurant dahil puro puno ang narito. Tinignan ko ang sign at nasa Casa Vera kami.



Love Doesn't Exist (Matsona Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon