-Love Doesn't Exist-
CHAPTER 26.
Tama nga ang sabi nila na, kapag masaya ka ay mapapansin mo'ng parang sobrang bilis ng oras, kapag malungkot ka naman, do'n mo mapapansin na parang sobrang bagal ng oras. Gustuhin mo mang pabilisin ang oras pero wala kang magagawa kahit anong gawin mo. Lalo na ngayong malungkot at nangungulila sakanya.
Nagdaan ang ilang buwan, naging masaya naman ang relasyon naming dalawa. Halos lahat ng araw na magkasama kami ay masasabi kong lahat ng araw na iyon ay espesyal, kahit simpleng labas lang namin sa isang restaurant, masasabi ko ng espesyal iyon ako lalo na't siya ang kasama ko. I feel safe everytime I'm with him.
I'm comfortable with him, kahit pa na ilang buwan pa lang naman kaming magkarelasyon. Pero sa mga oras na kasama ko siya ay tila ba ang oras ay nagiging mabilis para saaming dalawa, pero sa tuwing naghihintay ako ng araw para sa date namin, tsaka lang bumabagal ang oras.
"Iyong sinabi ko sa'yo, Irene. Napag desisyunan mo na ba?" sabi ni Lui habang kumakain kami sa isang magarbong restaurant.
Ilang araw ko din siyang hindi nakita at ngayon lang ulit kami nagkaroon ng oras para sa date na ito, masyadong naging busy ang linggo kong ito dahil may mga pictorial na naganap. Gano'n din naman siya sa work niya at saktong nabaliktad pa ang oras namin sa isa't isa. Sa umaga hindi ako pwede, pero pwede siya, sa gabi naman ako ang pwede, pero siya naman ang hindi.
Natigilan ako sa tinanong niya sa'kin, oo nga pala at niyaya niya ako na mag bakasyon sa kanilang sariling isla na ang Casa Vera, sabi niya kasi ay may sarili siyang penthouse roon kaya doon namin napagpasyahan na nagbakasyon lalo na't summer naman ngayon.
"Ah, yes. Ilang araw nga ulit?" napasimsim ako pagkatapos sa tubig ko.
"3 days. We'll use our yacht para makarating doon," sagot naman nito, tumango ako sakanya at medyo nakakaramdam ng excitement.
This would be my first time in a vacation with him! Hindi ito simpleng date lamang, this is a vacation. I really can't wait it. Gusto ko nang bumilis ang oras para sa bakasyon namin pero sa makalawa pa iyon. Medyo malapit na din naman.
"Great! I'm so excited!" I chuckled.
He only smiled habang pinagmamasdan akong excited para sa makalawa. Hindi ko na maiwasan ang pag-iimagine sa mga mangyayari habang nasa isang penthouse kami. I can already imagine the both of us in their own yacht!
Napawi ang ngiti ko, hindi dahil sa nawala ang excitement ko. Feeling ko masyadong sobra na itong pag-iimagine ko dahil baka mamaya biglang hindi matuloy. Gano'n kasi ang sabi nila, pag masyado kang sabik sa mangyayari, may posibilidad na baka hindi matuloy iyon.
Hinatid niya na ako pagkatapos naming kumain ng lunch, parehas kasi naming free time ngayon kaya nakakain pa kami sa labas. Pagkahatid niya sa'kin ay agad ko siyang ginawaran ng halik sa labi bilang pamamaalam.
"Bye, ingat.." sabi ko nang parehas na kaming nakalabas sa sasakyan at hinatid pa niya ako hanggang sa gate namin.
"I love you," he said.
Uminit agad ang pisngi ko, we always said that everytime we bid goodbye. Parang nakasanayan na rin namin iyon bilang pamamaalam at hindi ko maiwasan ang pag-init ng pisngi ko na parang sa isang iglap, sasabog agad ito sa hindi malamang dahilan.
"I love you too," I said softly at nginitian niya nalang ako, kumaway naman ako sakanya habang pinagmamasdan siyang sumakay sa kotse.
BINABASA MO ANG
Love Doesn't Exist (Matsona Series #1)
Storie d'amoreMatsona Series #1 Irene Avylile Matsona, a typical broken hearted girl slash bitter. Her ex turned her into cold and stone hearted woman, but what if after her heartbreak is there a true love that will come, a true love that doesn't exist for her bu...