Chapter 29

1.3K 87 2
                                    

-Love Doesn't Exist-

CHAPTER 29.

Hindi ko alam kung kaya ko pang makatulog dahil sa sinabi ni Paulo, hindi ko rin alam kung dapat ko bang sabihin ito kay Lui ngayon or ipagpapabukas ko pa? Pero sigurado akong kapag ipagpapabukas ko pa ay baka mamayang umaga andito na ang gagong iyon. Napakagago din kasi talaga ni Paulo kahit kailan, mas pinili ang kaharutan kaysa sa kaibigan niyang alam na magdurusa kapag sinabi niya iyon!


Lalo pa't ngayon alam kong mabilis nalang siyang makakatungo rito, may yacht sila at posible ngang baka nag chopper nalang iyon para mas mabilis na makarating dito. Alam na alam niya ang lugar na ito dahil una sa lahat, sariling isla nila ito. Hindi siya mahihirapan sa pagpunta rito.


Problema nanaman, tapos na ako kay Loreen tapos heto siya at mukhang dagdag nanaman sa problema ko. Wala na ba talagang katapusan itong problema na ito? Kailan kaya magiging mapayapa ng tuluyan ang buhay naming dalawa? Ang gusto ko lang naman ay sumaya, pero mukhang ipagkakait saakin ito ngayon.


Baka tulog na ngayon si Lui, ayoko naman siyang istorbohin pero mukhang kinakailangan ko na talagang sabihin sakanya dahil mukhang hindi talaga ako makakatulog ng maayos at baka mapuyat lang talaga ako.


I tried to knock on Lui's door, noong una akala ko ay hindi ito magbubukas lalo na't baka tulog na siya pero mali ako. Pagkakatok ko palang ay agad itong nagbukas at bumungad saakin ang topless na si Lui, mukhang bagong ligo.


Naamoy ko agad ang ginamit niyang shampoo at sabon, natigilan tuloy ang mga salitang sasabihin ko dahil nagtagal ang titig ko sakanyang buong katawan. He's only wearing a damn boxer! Ngayon ko lang napansin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.


"Uh.." nauutal pa si tanga, "Paulo texted me, ngayon lang. Sabi niya ay nasabi niya daw kay Zander kung nasaan tayo ngayon, posibleng papunta na siya ngayon dit-"


Bago pa ako matapos, I heard his silent curse habang nakatitig saakin. Alam ko, ganyan din ang reaksyon ko kanina kaya naiintindihan ko. Muling nandilim ang kanyang mata nang tignan ako.


"Bakit siya pupunta rito?" he asked, medyo galit na ata.


"I don't know," nagkibit ako ng balikat, medyo kalmado pa ako dahil nahimasmasan na pero siya ay nanatiling iritado at galit.


"Gago siya! Manggugulo naman iyon." aniya sa isang galit na tono.


"Paano na iyan? Alam kong makakarating siya agad dito sa lalong madaling panahon, maybe he can use a chopper not a yacht. For sure later andito na siya." medyo kabado kong sinabi.


Narinig kong medyo bumilis ang paghinga ni Lui, alam ko medyo iritado na siya ngayon at sobrang galit dahil sa narinig niya mula saakin. Ganoon din ang nararamdaman ko pero may kasamang kaba at takot.


"Don't worry, sinisigurado kong aalis din iyan kung dumating man siya dito." hinaplos niya ang buhok ko at niyakap ako ng marahan.


I feel warmed, lalo pa't yakap yakap niya ako ngayon. Para bang biglaang nawala sa utak ko ang pangangamba at ang takot na kanina lang ay nariyan pero biglaang nawala. I really feel comfort from him.


"Gusto mo dito ka na matulog? So that you won't be scared too much," malisyoso niyang tanong.


Ulol! Alam ko iyang mga paandar mo, payag na sana ako pero ayoko nga dahil baka iba ang gawin mo saakin kung sakaling magtabi tayo sa kama. We can do some, pillow fight, but with a twist.


"'W-Wag na, sige na. Tutulog na ako." I smiled to him and I assure him that I'm already fine, dahil sa yakap niya ay nawala ang takot ko.


Love Doesn't Exist (Matsona Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon