Chapter 17

880 107 0
                                    

-Love Doesn't Exist-

CHAPTER 17.



Lumipas ang dalawang buwan, walang communication sa'ming dalawa ni Lui. Simula nung nireject ko siya ay hindi na siya nagpakita pang muli sa'kin. Siguro dahil nagsawa na siya agad kaya ganon nalang at lumayo na siya sa'kin.



Sa dalawang buwang lumipas ay maraming nangyari sa buhay ko. Tambak nanaman ang schedules ko pero nakakayanan ko naman 'yun lalo na't naging fashion designer na ngayon si Icah at kailangan ko din siyang suportahan.



Siya ang nagdi-disenyo ng mga gowns and dresses na sinusuot namin tuwing may ramp, i really like her designs at si Joross pa ang mismong nagpasok sakanya as Fashion Designer.


Nalalapit na din ang uwi ni Paulo, sa susunod na buwan ay sa wakas uuwi na ulit siya at magkikita nanaman kaming tatlo. Sa tuwing magka skype kaming dalawa ay hindi niya maiwasang mabanggit ang pangalan ni Lui. Nasabi ko na kasi sakanya kung paano ko siya binasted, naaawa nga siya eh.



Pumasok ako sa kwarto ni Icah at nadatnan ko siyang nag di-disenyo nga mga gowns gamit ang sketch pad. Pinagmasdan ko ang buong paligid ng kwarto niya at ngayon ko lang ito muling nakita, ang daming mga sketch ng gowns at dresses ang nakadikit sa wall. Ang gaganda pa.



Hindi maitago ng mukha ko ang pagka-amaze ko sa kwarto niya, habang gumuguhit siya ay sandali siyang napapalingon sa'kin at ngumingiti pa na parang kinikilig



"Amaze ka nanaman?" Natatawang sinabi ni Icah habang nakatuon siya sakanyang ginuguhit.


Lumapit ako sakanya at pinagmasdan ang ginuguhit niya ngayon, isang wedding gown. Napaawang ang bibig ko nang makita ang ginuguhit niya, Damn. Sobrang ganda! P'wede na talaga itong pangkasal dahil sa sobrang ganda.


"Wedding Gown? Ikakasal ka na ba?" Kumunot ang noo ko.


"Nope, this is just my dream gown." Nakangiti niyang sagot, nginitian ko nalang din siya dahil sa ganda ng kanyang ginuguhit.


Big time na talaga siya, hindi lang sa'min siya nagdi-disenyo ng mga gowns. Pati na din sa ibang mga company at ang daming kumukuha sakanyang mga agency. Swerte talaga siya.


Nang natapos siya sa pag-guhit ay sinamahan ko naman siya sa National Bookstore, sabi niya ay bibili lang daw siya ng iba pang mga coloring materials at mga pencils. Isinakay ko na siya sa kotse at nakadating na din kami.


Pagkabili ay dumaan kami sa Milktea House, medyo matagal na din noong huli kaming nakapunta dito. Um-order na kami ng milktea namin at ininom na agad ito. Napatingin ako kay Icah na ngayon ay tutok sa phone niya habang nainom ng milktea.


"IRENE!" Nagulat ako bigla sa pagtawag niya sa'kin at halos maibuga ko ang iniinom ko, kinalabit niya ako at parang may pinapakita sa phone.


"May concert ang Ben&Ben next week! Free tickets at sa plaza lang gaganapin!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at pinakita pa sa'kin ang phone niya na do'n nakalagay ang Free Concert ng Ben&Ben!


"O.M.G! 11PM!?" Excited kong sinabi.


Halos mapatalon ako sa tuwa, This is the first time na may concert ang Ben&Ben tapos ay free tickets pa. Talagang hindi ko ito papalagpasin at pupunta talaga ako sa concert nila.


Bago ako matulog, hindi mawala sa isip ko si Lui. I wonder if he's okay or kung buhay pa ba siya? Dalawang buwan na din akong walang balita sakanya. Baka nga bumalik na siya ng states.


Love Doesn't Exist (Matsona Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon