-Love Doesn't Exist-
CHAPTER 9.
It's my turn since tapos na ang mga babae sa pagramp ay ako na akong sumunod dahil ako ang panghuli. Dahan dahan akong umakyat sa stage at inalalayan naman agad ako ni Denzel.
Nagramp na ako papunta hanggang sa dulo ng stage. Nakakakaba pala talaga pag first time mo pero i'm sure mawawala din ito pag sanay na ako.
Syempre nakangiti ako habang naglalakad, hindi naman ako kamuntikang mapatapilok gawa ng heels ko. Sanay na kasi talaga ako dahil mula pagkabata ko ay pinangarap ko ito.
Tatlong beses pala daw akong rarampa since ako 'yung final. Importante daw ay ngumiti ako ng ngumiti pero 'wag daw akong magtatagal sa stage para mabilis.
Mayroon na akong kaunting mga nakaclose na babae, isa na don sila Keyra at Kendal. Magkambal sila pero hindi sila masyadong magkamukha. Madali ko silang nakaclose dahil friendly sila. Hindi tulad nung iba.
Finally natapos na ang practice namin, hindi ko na kasi kaya dahil wala akong makausap don. Syempre may sariling mundo 'yung kambal kahit close ko na sila.
Palakad na ako palabas ng mall nang may makasalubong akong hindi ko inaasahan.
"Hey!" Bati ni Lui sa'kin. Tinanguan ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad pero hinarangan niya ako.
"Ano nanaman ba?" Naiirita kong tanong sakanya, i really feel like he's stalking me.
"Are you free today? Tara sa restaurant?" Nakangiti niya akong tinanong pero sinamangutan ko lang siya, nakakainis kasi.
Umiling lang ako sakanya pero hindi niya pa din ako tinantanan. May pagkakulit din itong lalaking 'to, sinabi ko ng hindi pero hindi pa din natigil. Hindi ba sila makuha sa salita?
"Ayoko, pagod ako." Tangi kong sagot sakanya.
"Oh come on, tara na!" Pagpupumilit niya sa'kin. napa oo nalang ako dahil masyado niya na akong kinukulit.
Agad naman niya akong dinala sa isang sikat na restaurant dito sa mall. Bibihira lang ang napunta dito dahil mala-ginto ang presyo ng pagkain dito. Ito din ang target ng mga artista or model.
"Order ka na, treat ko." Nakangisi niyang sinabi habang binibigay sa'kin ang menu.
Umupo kami sa table for two, may ilang tao ang napapatingin kay Lui dahil siguro madaming nakakakilala sakanya dito kaya dito niya ako dinala.
"Grilled chicken teriyaki. Drink ko ay lemon." Sabi ko sa waiter na inaabangan ang order namin, habang natingin si Lui sa menu ay napatingin naman siya sa'kin.
"Bali, 2 grilled chicken teriyaki and lemon." Sabi nito, tumango nalang ang waiter habang sinusulat ang order namin. Hindi nagtagal ay umalis na ito.
Habang iniintay ko ang order namin ay nakatunganga lang ako sa isang tabi, kita naman ng gilid ng mata ko na nakatitig lang siya sa'kin. Kaunti nalang talaga ay malulusaw na ako dito.
"So, anong ginagawa mo dito sa mall? You dating someone?" Bigla niyang tanong dahilan para mapatingin ako sakanya ng seryoso.
BINABASA MO ANG
Love Doesn't Exist (Matsona Series #1)
RomanceMatsona Series #1 Irene Avylile Matsona, a typical broken hearted girl slash bitter. Her ex turned her into cold and stone hearted woman, but what if after her heartbreak is there a true love that will come, a true love that doesn't exist for her bu...