Chapter 7

56 1 0
                                    

Chapter 7

Bob’s POV

Habang nagpa-practice kami eh natatanaw ko ang kabilang team lalo na sina Bryan na sobrang saya.

“Bob, pahinga na tayo” sabi ni Lovi at binigyan ako ng towel.

“Thanks, Lov”. Sabi ko ng naka ngiti habang pinupunasan ang pawis ko. Si Lovi ang crush ko dito sa  camp pero ayaw nyang tinatawag syang Lovi, gusto ya eh L-A lang daw. Eh matigas ang ulo ko eh.

Di sya mahinhin at parating rugged ang porma nya unlike sa mga chicks na lagi akong napapalingon dati. Pero ngayu, ewan ko ba. Simula nang ..

“Bob!”, napatigil ako sa pag-iisip tungkol kay Lovi nong tinawag ako ni Bryan.

“Oh, Bro,” bati ko sabay hi-five.Si Lovi naman ay busy na sa pakikipag-usap sa ibang ka team.

“Parating na daw ang mga bisita Bro, kinakabahan ako eh.” Panimula ni Bryan.

’weh? Di naman halatang kinakabahan ka eh ang saya-saya nyo kanina diba.’ Sagot ko na naka pameywang.

“I dunno, Bro.” umiling nalang ako sa sagot nya.

Umalis syang nababaganag, di ko sya maintindihan kong bakit ba sya kinakabahan sa mga bisita. Eh yung WAF BAND naman yun eh.

Teka? They are from Iloilo diba? Hala, bakit pati ako kinakabahan narin.

Bryan’s Pov

Di ko alam kong bakit ako kinakabahan. Siguro dahil ito sa pag invite sa amin ni Richard na kakanta kami ni Caydee sa mini fellowship para sa WAF BAND. Oo tama yun lang yun.

“Kinakabahan ako Bry..” sabi ni Caydee pagkatapos naming magpractice para mamaya. Ano bay an kinakabahan na nga ako pati ba naman sya.

“ako nga rin eh.” Sagot ko nalang na para bang may kumukiliti sa Tyan at dibdib ko.

“Kaya natin to.”sabi ni Caydee at nagsmile. Grabe ang cute niya. Di parin talaga nagbabago.

“Bryan! Bestie!” sigaw ni Brina sa malayuan.

“Kumaway ako sa kanya’, habang sya naman ay tumatakbong papalit sa amin.

“Bestie, dumating na ang WAF BAND. Grabe, I am so excited talaga.” Hinihingal na sabi sa amin ni Brina.

“Oh, talaga!” napapalakpak ako kahit di naman ako masyadong excited. Di ko naman kasi sila gaanong kilala.

“Yup and they want to see both of you.” She said.

“Huh?” nagkatinginan kami ni Caydee at dahil na curious kami ay sumunod nalang kami kay Brina.

Ang kaba ko ay lalong lumakas. Ewan ko ba!

‘Galing silang Iloilo diba?” tanong ko kay Brina.

“Yup”.

Ayan nanaman ang mga tambol sa dibdib ko.

“Sikat daw yun?” tanong ni Caydee kay Brina.

“Yup, kayo lang ang di masyadong di nakaka alam. Plibhasa eh puro DASHBOARD CONFESSIONAL yang nasa playlist nyo.” Sagot ni Brina.

Tumawa lang kami pero ako ay kinakabahan parin.

“Parang Familiar nga sakin, Best”. Dagdag ni Caydee.

“Talagang Familiar.” Tumango si Brina sa pag sang ayon sa bestfriend nya.

Kumunot ang noo ni Caydee na halatang nagtataka narin.

Dusk and Summer ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon