Chapter 14

34 1 0
                                    

Caydee's Pov

Galit na galit ako sa sarili ko ganun din sa kay Bryan. Oo totoo na di lang sya ang sinisisi ko sa pagkamatay ni mommy mangin ako din ang dapat sisihin. Dahil napaka childish namin noon.

Matapus naming mag-usap ni Bryan ay nandito ako ngayon sa amin tent at nagpanggap na tulog. Alam kong nagtataka na ang mga groupmates ko sa akin ngunit di naman nila ako kinukulit at magtanong.

Nakapikit lang ako ngunit gising na gising ang diwa ko. Mabuti nalang ay malamig ngayong gabi kaya naisip kong italukbong ang makapal kong kumot. Kinuha ko din ang cellphone at nakita kong may text doon sina Ate Erin, Brina at text ni Pastor.

From: Ate Erin
Cay, i am so sorry. Di ko sinabi sayo dahil ayokong sa akin mismo manggaling. Kaya araw-araw ko syang kinukulit tungkol sa pagsabi ng totoo.

From: Brina
Bestie, I love you. Nandito lang ako para sayo. I hope mapatawad mo ako someday.

Sandali nagtext si Pastor? Huh? Nakapagtaka naman. Binasa ko ito qoutes lang pala.

From: Pastor Villanueva

To be a Christian means to forgive the inexcusable because God has forgiven the inexcusable in you.
C.S. Lewis

Aray! Minsan lang maka send si Pastor ng qoutes at ito pa talaga? Sinasadya?

Nilagay ko nalang ang cellphone ko sa ilalim ng unan at pinikit ang mga mata.  Naiiyak ako pero ayaw ng lumabas ng mga luha.

---♥

Kinabukasan ay wala masyadong nangyari. Morning Devotion as usual at kasi wala namang masyadong activities ay hinayaan kaming lahat na mamasyal hanggang hapon. Basta daw makabalik kami before dinner.

Niyaya ako ng groupmates ko napumunta ng kabilang isla pero di ako sumama. Nagpanggap akong masama ang pakiramdam ko. Niyaya din ako nina Brina at nina Ate Erin ngunit di rin ako sumama at naintindihan naman nila.

"Cay.." sabi ni Bryan. Pumasok sya dito sa tent dahil mag-isa lang ako. Sina Bob at Lovi yata ay nasa labas dinig ko kasi ang mga boses nila na nagkukulitan.

"Bakit?"

"Masama daw pakiramdam mo sabi Venus?" tanong nya.

Nakahiga kasi ako at nakayakap sa unan. Di ko sya sinagot.

"Samahan nalang kita dito." dagdag nya.

"Please Bryan? Dont you get it? I want to be alone? I am not in the mood to go somewhere Okay? Please go!" sigaw ko.

Nasaktan ako sa sarili kong sinabi pero yun lang ang paraan para layuan nya ako. Di ko sya matatanggap. Di ko matanggap din sa sarili ko na kahit ganun man din ay mahal na mahal ko sya. Ang sakit sakit!

Yumuko lang sya at Tumalikod. Alam kong nasaktan din sya sa sinabi ko.

"Sana balang araw ay mapatawad mo ako. I am so sorry Caydee." sabi nyang nang nakatalikod at umalis narin. Narinig ko ang mga yapak nilang papalayo. Bumadya na ulit ang mga luha sa aking mga mata. Iyak ako ng iyak.

Nakatulog ako sa kakaiyak at nsgising akong past 2pm na. Tumutunog na yata ang mga alaga ko sa tyan. Lumabas ako ng tent at tirik ang araw. Sobranh init. Naglakad lakad ako papuntang hall at kitchen ngunit mukhang lahat sila ay umalis. Ni isang staff or camper walang naiwan ako lang yata. Nakita kp nalang ang mga crew ng Resort. Pumunta ako sa restaurant ng Resort at doon nag order ng makakain.

Nakita ko si Zac na papunta sa shore palingon-lingon na parang may hinahanap.

"Zac!" tawag ko. At binaling nya ang tingin sa akin. Ang nakakunot na noo nya noon ay umaliwalas nong makita ako. Tumakbo syang papunta sa akin.

Dusk and Summer ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon