CHAPTER 5

58 1 0
                                    

Bryan's POV

"Oh anong nginingiti-ngiti mo dyan?", pairap na tanong ni Caydee.

Umiling lang ako. Buti naman Okay na kami ngayon salamat talaga krinkles. Haha.

Malapit na yata kami sa Camarines ang ganda ng mga view na nadadaanan na namin at halatang nag-eenjoy si Caydee.

Syempre masaya narin ako.

Makita ko syang ngumingiti eh parang nakangiti narin ang puso ko. Hay Caydee kung alam mo lang.

"Hoy!" Sabi ni Caydee na niyuyugyog ang kanang balikat ko.

Napatingin ako sa kanya. Nakakatunaw talaga ang mga ngiti nya, ang mata, ang labi Lord mahal mo talaga ako no? I smiled.

"Hoy! Bryan! Okay kalang? Parang nasa ibang planeta ka yata."

I blinked twice. Medyo natauhan di. Sorry naman busy lang ako sa pag-iisip.

"Alam mo Bryan kinakabahan na ako sayo ha. Kanina ang kulit-kulit mo. Then bigla kang tatahimik, then bigla kang matutulala. Bipolar kaba?" She asked na natatawa.

Ngumiti ako sa kanya. "May naalala lang ako."

Humalukipkip ito. "Buti kapa".

"Bakit? Ni isa wala kabang maalala?" Bulong ko.

Yumuko lang sya at biglang napawi ang mga ngiti sa mukha nya.

"Nandito na tayo!" Richard declared.

Saved by the bell. Huminto ang bus at nagsilabasan na ang mga campers. Inalalayan ko si Caydee at tinulungan ko rin sya sa mga dala nya.

---

Caydee's POV

"What? Bestie? Boat? Kailangan nating sumakay ng bangkang iya?" I am currently throwing tantrums. Talagang sa Bangka kami sasakay. Alam ko ay may phobia ako dito.

" Best.. I'm so sorry. Di ko talaga alam na mag babangka tayo." Brina said apologizing.

"8 hrs of ride then 2 hours sa Boat? Tapus malapit naring gumabi. Isn't it great?"

Pambihira talaga tong si Brina alam na alam nya naman na takot ako dito. Takot nga ako mag barko bangka pa kaya?

"Best may life jackets naman tayo and beside madami naman tayo. The staffs are there, Bryan is here also."

"Uuwi nalang ako Best". Naiiyak kong sabi.

"Best, diba sabi mo last month you want to overcome all your fears?"

"Fine!" Padabog kong sabi.

I jump up the boat at umupo sa pinakalikod na nakakunot noo. Natatakot talaga ako pero mas naiinis ako dahil wala akong choice. Naiisip ko kasing bumyahe ako ng 8 hrs tapus uuwi lang? kalokohan!

"Cay, You'll be Okay." Tumabi si Bryan sakin at inabot ang life jacket.

Sinuot ko ito at halatang maiinit talaga ang ulo ko.

Lumingon si Brina sakin and she mouthed "Sorry". I hissed!

What a summer! I know I want to face all my fears pero ganito? Di man lang ako nakapag handa?

Umupo rin si Bob sa tabi ni Bryan. Bromance?

"Anong ginagawa mo?", iritableng tanong ni Bryan kay Bob na kasalukuyang nag se-selfie.

"Bro, Remembrance. Mag pose nalang kasi kayo para cool ang journey natin." Sabat ni Bob habang nagseselfie.

"Lala kana talaga Bro." Pailing-iling na sabi ni Bryan.

Dusk and Summer ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon