Chapter 30

34 0 0
                                    

Caydee's Pov

"Ready?" nakangiting sabi ni Zac sa akin. Pumasok sya sa aking kwarto. Napag disisyunan kong pumunta muna kay Bryan at sasamahan ako doon ni Zac then bukas ay uuwi narin ako sa bahay namin at haharapin si Dad.

Kinakabahan ako. Di ko alam kong ano ang magiging resulta ng pagkikita namin ni Bryan. Hindi ko alam. Natatakot ako sa mga malalaman ko. Ewan ko ba kung bakit ako na papraning ng ganito.

Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng ganito diba? Bigla bigla nalang syang hindi magpaparamdam. Ano to gumaganti sya sa akin? Dahil kong gumaganti sya well he did the great job because it is working. Alam ko na ang feeling. Na master ko na nga siguro ang feeling na bigla-bigla kalang iiwan sa ere.

"Natutulala ka nanaman Cay." puna ni Zac. Hinarap ko sya. Kumunot ang noo ko. "Zac, nakakainis dahil kinakabahan ako ngayon." sagot ko.

He gave me a wry smile and cupped my face with his both hands.

"Tigilan mo muna ang pag-oover think mo. Pag magkausap na kayo be courageous enough na magtanong kong ano ang nangyari, kung bakit di ka nya sinipot or kinontak man lang. Kailangan mo ring eexpress kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari. Communicate with him clearly para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan, lungkot at drama,okay?" kinuha na nya ang kanyang kamay sa mukha ko. I nodded in agreement. Zac and his words of wisdom my gosh!

---------/////--------

"I'll see you here after sa carpark then text me right away kung nagkita na kayo ni Bryan,Okay? Pupunta kasi ako sa coffee shop kapag nagkita kayo dahil alam kong mahaba habang usapan ito." Zac said ngunit ngayon ay poker face na sya.

Naiinis din sya siguro kay Bryan sa pang iindyan nya. Hinayaan ko nalang sya at lumabas sa sasakyan. Pumasok ko sa lobby,kinausap ang receptionist sandali at sumakay na sa elevator.

Napabuntong hininga ako. Ano ba gagawin ko pag magkita kami? Yayakapin ko ba sya? Sasampalin? It feels like I wanna hug him and slap him at the same time. Parang si Hannah lang nong nagkita sila ni Alison sa Pretty Little Liars na American Tv show.

Tumunog na ang elevator hudyat na nasa floor na ako kung saan ang unit ni Bryan.

-------------^^^^^^^^^^-----

"Ate!" yumakap agad si Dj sa akin. "Na miss kita."

Bumadya ang mga luha sa  aking mga mata. "I missed you too Dj." I hugged him back.

Kumalas na kami sa ni Dj sa  pagyayakapan at naupo sa sofa. Agad ding tumakbo papunta sa akin si Yaya at niyakap ako na umiiyak.

"Ikaw  talagang  bata  ka. Saan kaba nang galing." Tanong ni yaya.

"Nagpa lamig lang po. Inaway kasi ako ng iba dyan." at inirapan ko si Dj.

"Ate naman.!" Dj pouted his lips.

Umiling-iling na nakangiti si Zac sa amin. At naupo narin sya sa sofa.

"Where is Dad?" Tanong ko.

"I'll call him Ate. Nasa backyard." Tinawag ni Dj si Dad.

"Cay!" sigaw ni Dad na tumatakbo. Niyakap nya rin ako noong maabot nya ako. "I missed my baby girl so much."

"Daddy, sorry. And I missed you too." i cried.

"Shhh. Don't be sorry. I understand and I love you anak."

Ngumiti ako. Sa kabila ng lungkot ko ay may rasun parin akong sumaya dahil welcome na welcome ako sa pamilya ko. Alam ko na kahit anong pang-iiwan ko sa kanila they are still going to welcome me with an open arms.

Dusk and Summer ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon