Chapter 12

38 1 0
                                    

Brina's Pov

"Please forgive me Bestie. Di ko talaga akala na aabot sa ganito." sabi ko kay Caydee. Nakayakap ako sa kanya na umiiyak. Alam kong nagtataka sya kong bakit.

Naiinis ako sa sarili ko. Alam kong may kasalanan ako sa kanya at ang masakit panon ay tinago ko yun for over 3 years.

Mapapatawad nya ba ako? Sasabihin ko naba sa kanya? Paano ako magsisimula?

"Bestie ano kaba.Di kita maintindihan. Wala ka namang kasalanan na naalala ko." sabi nya.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Wala kang maalala and you know why wala kang maalala. Bestie, Sorry sising-sisi ako sa nagawa ko." Tinakpan ko ang mukha ko sa kakaiyak.

"Ok! Enlighten me. Please!" basag ang kanyang boses.

Sasabihin ko na. Dala ko ang pouch na may lamang libro. Saan ba ako magsisimula. Napabuntong hininga ako at napalunok kahit na parang may nagbara sa lalamunan ko.

Ramdam ko ang kaba at takot dahil alam kong matapus kong sabihin lahat ay malaki ang magiging pagbabago sa aming friendship at maging sa kanyang buhay. Karapatan nyang malaman to.

"B-Best". basag narin ang boses ko. Tumititig lang sya sa akin at naghihintay sa aking mga sasabihin.

"Diba may Diary ka? Isa para sa family mo isa para pang araw-araw kasama ang mga kaibigan.." panimula ko.

"Oo. Kulang na nga lang ang pang lovelife ko." singit nya na nakangiti.

Napapikit ako ng aking mata.

"At di lingid sa ating kaalaman na marami kang bagay na di naaalala. Yung mga pangyayari 3 years ago. Before kayo maaksidente ni Tita." unti-unting napawi ang kanyang mga ngiti. Nasasaktan parin sya pag naaalala ang kanyang Mommy.

"Noong na aksidente kayo doon sa Iloilo. Sa pumpboat kayo nakasakay. Hindi totoong na aksidente kayo sa Car crush. Naaksidente kayo sa pumpboat. May bagyo kasi noon. Galing kayo sa Guimaras at bumyahe kayo patungong Iloilo."

"Bakit mo sinasabi sakin ngayon yan?" bumabadya na ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Alam kong naniwala ka sa mga kwento ko nong araw na nagising ka at walang maalala. Sinabi ng daddy mo na car crush ang reason ng accident nyo dahil ayaw na nyang ibalik ang mga nangyari."

"Bakit Brina ano ba ang nangyari? Paano kami na nasa Guimaras? i will not talk. I'll listen."

Napabuntong hininga ulit ako.

Binigay ko ang Pouch sa kanya na may Libro.

"Yan ang 3rd Diary mo. Pinaniwala kitang wala ka pang Lovelife. Tinago ko yan ng tatlong taon sayo. Tinago ko yan dahil yan ang rason kong bakit kayo nasa Guimaras at dahilan ng pagkamatay ng Mommy mo at pagkawala nang memorya mo."

Hinihintay ko ang reaksyon nya ngunit wala syang reaksyon. Hinihintay nya yatang matapos ang mga sasabihin ko. Oh di kaya pinoproseso nya pa ang mga sinasabi ko.

"Ito kasi yun. 4th year Higschool ka nong nag-aral ka doon sa Iloilo. Doon ka nakatira kay Ate mo Erin. Ngunit di nila alam non na nakilala mo ang lalaking nasa Lovelife Diary mo. Isang araw eh nakita kanalang nyang umiiyak. According sa Diary mo na ayaw na ayaw ng Mommy mo sa kanya. Sorry binasa ko ang Diary mo." napayuko ako. Ngunit di parin sya umimik.

"Then pumunta kayong Guimaras at doon pinagplanuhan nyo yatang magtanan. Hinanap kayo ng Mommy mo. Si Dad mo naman that time ay nasa ibang bansa kaya di sya basta bastang makauwi. Galit na galit ang Mommy mo noon kaya nong tumawag ka sa akin at sinabi mong nagbakasyon ka sa Guimaras sa isang Resort ay sinabi ko natin kay Tita dahil nag-aalala ako para sayo."

Dusk and Summer ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon