"Sinasagot na kita. Oo ang sagot ko." nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
Napataas na lang ako ng kilay dahil sa reaksyon niya.
"For real, Arcy?" natatawang sabi niya sabay akbay sa akin.
"Sinasagot na nga kita. Ayaw mo? Hindi naman kita pinipilit eh." iritadong sabi ko.
"Weh?" tanong niya. "Paki- sapak nga ako. Baka nananaginip na naman ako." sabi niya. Ngumiti naman ako atsaka sinapak siya ng malakas.
"Aray! Totoo ba talaga? Papaparty na 'ko! Wooh!" sigaw niya. Tinakpan ko lang ang bibig ko. Nakakatawa kasi yung reaction niya. Nagwawala na siya.
Hinawakan ko siya sa magkabilang braso niya tsaka niyugyog. "Chill. Huwag kang hot. Baka pati ulo ko maging hot."
"Sorry. Ako ba naman kasama mo, Arcy? Sinong hindi mag-iinit? Damang-dama ko na ang hotness ko. " nakangising sabi niya.
"Lasing ka ba? Sipain kaya kita down "there"?" nakakunot noong tanong ko sa kanya. O kung tanong nga ang tawag sa ginawa ko.
Umiling- iling siya. "Tara na! Dahil sinagot mo na ako, libre kita ng dinner." pagyayaya niya sa akin sabay hawak ng kamay ko.
"Buti naman naisipan mong--" bago ko matapos yung sasabihin ko ay may dumaan na dalawang babae sa harapan namin.
Narinig at nakita ko siyang sumipol habang nakangisi.
Tumayo naman ako at aalis na sana ng hawakan niya yung braso ko.
"Saan ka pupunta? May date pa tayo diba?" inosenteng tanong niya habang nakangisi?! Wtf?
"Lakas rin ng loob mong mag-aya ng date huh? Eto sayo!" sabi ko sabay suntok sa mukha niya kaya napa upo naman siya at inalalayan siya ng mga babae sa paligid. Kahit yung mga may kasamang boyfriend tumulong sa kanya.
Inirapan ko na lang sila tsaka nag walk out.
*10 minutes*
Ugh. Nasan na ba yung lalaking yun? Akala ko ba may date kami?
Habang hinahanap ko siya, nakita ko siya mula sa malayo na may mga kasama siyang babae.
Ah. Okay.
Wow.
Akala ko hinahanap niya ako. Napaka- jerk talaga.
Dahan- dahan akong pumunta sa lugar nila. Pagkapwesto ko sa harap nila ay nag ehem ako.
Nanlaki naman yung mata ni Nathan. Sino ba namang hindi magugulat kung makita mo yung hirlfriend mo sa harapan mo habang may ka- akbay?
"Uhmm. Let me explain. Kasi-- ano-- ganito--" tinaasan ko siya ng kilay. Huwaw. Magdadahilan ka pa.
"Manloloko ka! Iniwan mo kami ng mga anak mo para dito? Si Junjun at si Nene! Hindi ka na naawa sa kanila." biglang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
"Wtf Arcy? Junjun at Nene?" gulat pero natatawang tanong niya.
"Wtf ka rin Nathan. Traydor ka!" nakita kong nagtaasan ng kilay ang mga kasama at kaakbay niya.
Isa-isa silang tumayo at pinagsasampal si Nathan bago mag walk-out.
Mas tinaasan ko siya ng kilay at napatawa ng mahina.
Hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinila ako. Tumigil kami sa harap ng ferris wheel ride.
Akward.
"Sorry." nakayukong sabi niya.
Inirapan ko siya at hinila ko siya sa bilihan ng ticket at sumakay na kami.
"Uy sorry na." tawag niya.
Hindi ko siya pinansin at tinignan lang ang tanawin. Mabagal ang pag- andar ng ride, which is actually okay with me since gusto kong damhin ang view.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya napatitig ako sa kamay naming dalawa.
Inangat ko ang tingin sa mga mata niya at nakaramdam ako ng chills sa katawan.
Parang may kung anong magnet sa mga mata niya. Nag- uumapaw rin ang feelings kung tititigan mong mabuti.
Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa naglapat ang aming mga labi.
"Arcy. I love you." bulong niya at ipinatong ang noo niya sa noo ko.
Hindi ko napigilang ngumiti. "I love you too. Kahit ikaw pa ang pinaka gago sa mundo."
"I'm sorry sa kanina." sabi niya.
Nagkibit balikat lang ako. "Playboy's sense." yun na lamang ang nasabi ko.
Pinalibutan kami ng katahimikan.
Napa-upo ako ng tuwid ng hilahin niya ako ng mas malapit sa kanya sa baywang ko at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya.
"Lol. You're being clingy, Nate."
Nginitian niya lang ako at sabay naming pinanuod ang paglubog ng araw.
==========================================================
YOU ARE READING
The Playboy's Love
General FictionAno kayang mangyayari sa future ko kung ang boyfriend ko ay walang ibang iniisip kung hindi babae, babae at babae? May girlfriend na nga, lumalandi pa. Paano ko kaya mapag titiyagaan ang ugali niyang manyak at playboy? Bakit ba kasi ako nagkaroon...