Chapter 9

802 30 0
                                    

Nathan's POV (Date: March 14)

" Doon mo ilagay. Tapos ikaw, doon naman sa kabila. Tapos ikaw diyan! Ilagay mo yan dito!" sabi ni Julia habang inuutusan yung mga hinire namin. 

Hindi kami pumasok lahat except kay Kayla at Chris. Dahil kasali sila sa plano namin ang pagpatay kay Arcy.

Joke. Surprise Party 'to.

"Nathan tutunganga ka na lang ba diyan?" masungit na sabi ni Patty kasama si Kuya Yul.

"Eto na. Chill lang kayo. Masyadong mainit ulo natin ha." pagpapakalma ko sa kanila sabay layo at pumunta sa lugar nina Camille kasama ang mga kapatid kong kambal.

"Kuya, tumulong ka naman! Girlfriend mo yung magbi-birthday tapos tatanga-tanga ka lang dyan sa tabi?" masungit na sabi ni Coleen habang nakataas ang kilay.

Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng matalim na tingin. "Saan mo napulot yan? Hah?" iritadong tanong ko. Kung ano-anong natututunan ng mga kapatid ko.

"Kay Chloe." nagkibit balikat siya sabay turo kay Chloe. Tinignan ko naman si Chloe ng matalim at tinanong rin kung kanino niya nalaman yun.

"Kay Ate Katrina po." she mouthed at me sabay palihim na turo kay Kat.

"Katrina!" sigaw ko kaya napalingon siya sa akin ng nakakunot ang noo.

"Oh? Kailangan mo?"

"Ano na namang tinuturo mo sa mga kapatid ko? Tinuturuan mong mag mura." naiinis na tanong ko habang matalim ko siyang tinignan.

"What!? Aba bakit ako? Sabi lang ni Camille." sabi niya sabay turo kay Camille na busy sa cellphone niya.

Nang makaramdam si Camille ay lumingon-lingon siya sa amin at nakita niya akong nakatingin ng masama sa kanya. "What?" iritadong tanong niya.

"Ano na namang itinuturo mo sa mga kapatid ko? Sa'yo natutong magmura 'tong mga 'to?" naiinis na tanong ko sa kanya. Paano kung lumaking gaga ang mga kapatid ko? Syempre hindi pwede yun sa gwapo nilang kuya.

"Si Julia nagpasimuno." sabi niya atsaka ibinalik ang tingin sa cellphone na hawak niya.

"Julia!" sigaw ko kaya napatigil siya sa pagiinstruct sa mga nagtatrabaho dun. 

"Ano?" tanong niya. Pawis na pawis na siya at mukhang mainit ang ulo niya.

"Bakit mo tinuturuan ng mga inappropriate words ang mga kapatid ko?" naiinis na tanong ko. Ako rin naman. Nag-iinit na ang ulo ko dahil sa nag-uumapaw na hotness ko.

"Si Arcy." sabi niya sabay balik sa trabaho niya. Napatahimik naman ako dun.

"WALA TUMBA KA PALA! BOOO!" sigaw ni Steve kaya nagtawanan sila.

"Anong nakakatawa?" lumabas na lang ako ng reception hall sa resort namin.

Tawagan ko na nga lang si Arcyng baliw.

Shit. Cannot be reach.

Arcy's POV

"Diba birthday mo ngayon? Wala ka bang balak na mag celebrate?" tanong ni Kayla sa akin. Kakalabas lang namin kasi lunch na at ang masaklap, hindi sila pumasok. Kahit isa sa kanila.

"Edi parang pinamukha ko lang sa sarili ko na 'Imma loner'." sabi ko sa kanya habang papunta ng office. Nandoon kasi yung lunch ko.

The Playboy's LoveWhere stories live. Discover now