Arcy's POV
Kakahatid lang sa akin ni Nathan since mag gagabi na. Pagkapasok ko sa bahay, binati ako nina manang. Binati ko rin sila atsaka nginitian.
Paakyat na sana ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.
"Saan ka galing?" napalingon naman ako kung sino yun at nakita kong nakapamaywang si Papa habang si Mama ay tinaasan ako ng kilay.
"Tinatanong niyo po ba ako dahil nag-aalala kayo o para kungwari may pake kayo?" pagtatanong ko sa kanila. Hindi ko mapigilan na maging bitter. Alam kaya nilang birthday ko ngayon?
"Of course we care because we're your parents!" sigaw ni Mama.
Natigilan ako sa sigaw niya atsaka huminga ng malalim bago sila harapin.
"Parents? Wow naman po. You call yourself parents? Bakit? Dahil nasusustentuhan niyo ko? Mas magulang pa si Yaya Celina sa inyo." sabi ko sabay tawa ng peke.
Linapitan ako ni Mama atsaka sinampal.
"How dare you to talk to me like that! Hindi ka namin pinalaki ng ganyan!" pagsisita sa akin ni Mama.
Hindi ko napigilang maluha. "Kayo ba ang nagpalaki sa akin? Ni hindi niyo nga alam na birthday ko ngayon! Anong klase kayong magulang?" kinagat ko ang ibabang labi ko. "Puro kayo--- tsk!"
Suminghap ako ng sampalin na naman ako ni Mama. Great. Diyan naman siya magaling, ang saktan ako.
"You!" sigaw niya sabay turo sa akin. "Wala kang karapatang sabihin yan sa amin! Pinapalamon ka namin! At yang mga gamit mo? Sa amin nanggaling yan!" sigaw niya at dadapo na dapat ang mabigat na kamay ni Mama ng may pumigil sa kanya.
"Stop." tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Jake.
"J-Jake..." yun na lang ang sabi ni Mama.
"Anong ginagawa mo sa kapatid ko, Ma? Hindi mo dapat siya sinasaktan! Anak mo rin siya!" sigaw ni Jake kay Mama. Napasinghal si Mama at inirapan ako ng tumingin si Jake sa akin.
Bakit ganun? Bakit kapag si Jake na yung kaharap niya ay para siyang maamong tuta na susundin lahat ng sasabihin niya. Sa aming dalawa, si Jake ang laging tama. Tama si Jake, mali ka Arcy. Lagi kong ginagawa kung anong gusto nila. Lagi ko silang sinusunod. Pero bakit ako pa rin yung mali?
Hindi na ako nagpaalam sa kanila at umakyat na ako papunta ng kwarto ko. Wala na akong pakealam kung ano mang mangyari sa akin.
I think my savings is enough for a year maybe?
Pagkapasok ko ng kwarto ko ay isinira at inilock ang pinto. Kinuha ko ang dalawang maleta mula sa ilalim ng kama at nagsimula nang mag-ayos ng damit at mga kailangang dalhin atsaka ito inilagay sa maleta.
Kumuha pa ako ng isang malaking travel bag para ilagay ang mga importanteng gamit and such.
Habang inaayos ko ang mga gamit ay naririnig ko ang mga malalakas na katok mula sa labas.
"Buksan mo 'to, Arcy!" alam kong si Papa yun. Malalim na boses pa lang niya ay kilala ko na.
"Arcy, open this damn door!" sigaw ni Papa at mukhang no choice ako dahil hindi rin naman siya titigil diyan.
Pinagbuksan ko na sila ng pinto. Tinignan ko silang dalawa ni Jake with irritated look.
"Maglalayas ka?" gulat na tanong ni Jake.
"So?" tinaasan ko siya ng kilay. Hangga't kaya kong magpanggap na matapang, magpapanggap ako. Isasalba ko ang katiting na pride na natitira sa akin.
"Let her." napatingin silang dalawa kay Mama.
"What are you saying, mom?" bakas sa boses ni Jake ang pagkairita.
"Kung gusto niyang umalis, then go! We don't care anyway." tumingala ako para pigilan ang mga luha ko.
"What, mom? I care because she's my sister!"
Naiinis ako. Nalulungkot ako. Nangangaliti na ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
"Damn." hindi ko alam pero bigla akong nadala ng emosyon kaya hindi ko na napigilan ang bibig ko.
At bago pa ako masampal ng magaling kong ina ay agad-agad kong sinarado ang pintuan at binilisan ang pagliligpit. Pati na rin ang natitira kong pera ay itinago ko na. Kailangan ko na ring mag withdraw agad dahil siguradong mafi-freeze na mamaya ang account ko.
---
Pagkaalis ko ng bahay ay tinawagan ko si Julia. Papunta na rin ako sa bangko para mag withdraw.
"Hello?" Ang bilis niya talagang sumagot ng mga phone calls.
"Juls! Patira naman sa inyo." sabi ko. Shit. Nagugutom na ko.
"Bakit?" tanong naman niya. Naririnig ko pa ang tunog ng aircon nila. Chismosang aircon naman.
"N-naglayas ako..." naiiyak ako kapag naaalala ko yung pagsampal ng sarili kong ina.
"Okay. Nasaan ka?" tanong niya.
"Nandito ako sa Claudia St. Papunta ako sa bangko magwi-withdraw lang saglit. Puntahan mo na lang ako sa Mcdo." sabi ko.
"Okay." sabi niya.
Pagkawithdraw ko ay pumunta ako sa pinakamalapit na fast food.
"Ar?" pagkalabas ko ay nakita ko si Nathan na nakasakay sa kotse, nagda-drive thru.
"Hmm, Nate?"
"Bakit ang dami mong dala? Anong nangyari? Bakit nandito ka?" sunud-sunod na tanong niya. Pinaandar niya muna ang kotse at ipinark ito sa gilid ko.
Pagkapatay niya ng makina ay binuksan niya kaagad ang pinto at kinuha ang mga gamit ko.
"Wait! Anong ginagawa mo?" tanong ko.
Liningon niya ako bago binuksan ang back seat. "Ihahatid na kita sa inyo." sabi niya.
Hinawakan ko ang braso niya atsaka sinapak. "Huwag!"
"Bakit?" tanong niya.
"Susunduin ako ni Julia dito." sabi ko.
"May outing kayo? Birthday na birthday mo umaalis kayo ng gabi."
"Gago! Hindi!" natatawang sagot ko. "Uhm... Naglayas ako."
"What?!"
==========================================================
A/N: Improved version of Chapter 11.
Inunpublished ko muna yung the rest of the chapter dahil marami akong babaguhin, okeh? Ahehehehe.
Advance Happy New Year!
#TPL11
YOU ARE READING
The Playboy's Love
General FictionAno kayang mangyayari sa future ko kung ang boyfriend ko ay walang ibang iniisip kung hindi babae, babae at babae? May girlfriend na nga, lumalandi pa. Paano ko kaya mapag titiyagaan ang ugali niyang manyak at playboy? Bakit ba kasi ako nagkaroon...