Chapter 3

1.1K 44 0
                                    

Arcy's POV

"Bakit mukhang pinagsakluban ng langit, lupa, impyerno 'yang mukha mo? Nasaan na ang boyfriend mo?" tanong ni Karylle sabay upo sa tabi ko.

"Ah. Pinauna niya ako dito. Kinakausap pa si Alex." casual na sabi ko habang pinipigilan ang pagka-irita ko.

"Alex?!" gulat na tanong niya. "Yung pilit nilalandi si Nathan pero ayaw kasi loyal sa'yo?" bulong niya atsaka tumawa ng malakas.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag mo kong simulan, Karylle. Mainit ang dugo ko."

"Malamang mainit ang dugo. Pero kung papakulo mo yung dugo, mawawalan siguro ng kulay yun." sabi niya habang hawak ang baba niya na parang scientist na naka-diskubre ng kung ano.

"Heh." iritadong singhal ko.

"Ang aga-aga kasi badtrip ka. Buti na lang at nakarating ka ng 7:00 AM dito?" sabi niya sabay tingin sa orasan niya. Bigla siyang natigilan at napatingin siya sa akin at sa orasan niya ng paulit-ulit. "Ba naman. First time!" sabi niya atsaka tumawa.

Ugh. Ayoko talagang naririnig ang tawa niya. Kinikilabutan ako.

"OA nito. Hindi naman first time." sabi ko sabay mukmok sa desk ko.

"Oh ayan na. Nandito na si Nathan." natatawang sabi niya sabay sundot ng tagiliran ko.

Tinanguan ko na lang siya at isinuot ang earphones ko at nagpatugtog.

"Ar, inaantok ka?" tanong niya sa akin at umupo sa tabi ko. Seatmate kasi kami.

"Hmm. Yep." sabi ko at pumikit.

Isinandal niya ang ulo niya sa tabi ng ulo ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Matutulog?" patanong na sagot niya.

"Bakit hindi kayo magtabi ni Alex?" naiiritang tanong ko.

Natawa siya ng mahina sa sinabi ko. "Walang kupas talaga 'tong kagwapuhan ko." bulong niya sa akin kaya pinitik ko siya sa tenga.

"Lol oo na lang." pumikit na lang ako.

Naramdaman kong may lumapat sa labi ko kaya gulat akong napatingin sa kanya na nakapikit habang magkadikit pa rin ang mga labi namin.

Idinilat niya ang mga mata niya at lumayo ng konti habang ako naman ay napaawang ang bibig. "Huwag ka ng magselos." ngiting bulong niya sa akin.

Hindi ako kumibo at pumikit na lang pero ramdam ko pa rin ang init ng pisngi ko.

Oh gash help me.

Narinig kong tumawa siya atsaka pinisil ang pisngi ko ng mahina. Pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi.

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pagpipigil.

"Stop that, Ar." narinig kong sermon sa akin ni Nathan kaya napadilat ako at umayos ng upo.

"Stop what?" tinaasan ko siya ng kilay. Bwisit 'to. Kanina lang nanghahalik tapos ngayon sesermonan ako?

"Stop biting your lips. Naaattract ako." bulong niya.

Ngumuso na lang ako atsaka pinagtripan ang mukha ko. Nag wacky ako ng kung ano-ano.

"Nababaliw ka na naman, Ar." natatawang sabi ni Nathan.

"I'm not!" sabi ko sabay pout.

"Kung ganun, ano- anong ginagawa mo?" tanong niya.

"Nagwa-wacky." mas lalo siyang tumawa atsaka hinila ako patayo.

"Nag-almusal ka ba?" tanong niya.

Umiling ako. "Wala ng oras. Ang aga mo eh." sinamaan ko siya ng tingin.

"Tara. Libre ko." sabi niya at hinila ako palabas.

"Okeh." sabi ko at nauna pa sa kanya sa cafeteria. 

Pagkatapos kong kumain kasama siya, bumalik na kami sa room at umidlip.

==========================================================

A/N: Improved version of chapter 3

#TPL3

The Playboy's LoveWhere stories live. Discover now