Arcy's POV
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Si Jake? Kapatid ko?
Pero bakit?
I mean, bakit ngayon ko lang nalaman? Ngayon lang rin ba nila nalaman?
Ilang years na kaming magkaibigan ni Jake. Minsan-minsan pumupunta siya sa bahay namin.
Bigla akong nakaramdam ng selos.
Kung nawala rin ba ako, yayakapin ba nila ako ng 'ganon?
Kung nawala ba ako, hahanapin ba nila ako?
I'm lucky to have them actually. Naibibigay naman nila sa akin kung anong mga kailangan ko.
But I'm lack of love.
Nandito ako sa kwarto ko, nakatingin lang sa kisame, nagmumukmok.
Gusto kong lumabas para kumain pero may pumipigil sa akin. Pakiramdam ko gutom ako pero parang wala akong maramdaman.
Ghad. I'm crazy.
Hindi naman sa ayaw kong maging kapatid si Jake-- or kuya. Para ko na rin siyang kuya kasi siya yung pinaka matanda sa amin.
Narinig kong may kumatok. Hindi ko na lang pinansin tutal hindi naman naka-lock.
Kumatok ulit siya kaya napabuntong-hininga na lang ako. "Bukas yan." sabi ko.
Iniluwa nito si Jake-- err I mean kuya Jake. Jake na lang nga, gash!
"Arcy, may dala akong menudo oh. Hindi ka bumaba kaya nagvolunteer ako na dalhan ka." sabi ni Jake at ibinaba ang pagkain dun sa may study table.
"Lol. Okeh."
Umupo siya sa kama at in-on ang tv.
"May problema ba?" tanong niya. "I mean hindi ka ba galit or something?"
Nagkibit balikat lang ako. "I don't know. Okay lang naman ako pero hindi kita maimagine bilang kuya ko." sabi ko. "Ano-- ganito kasi yan. Ikaw naman ang kuya sa atin kasi ikaw yung pinaka matanda pero hanggang dun lang. I've never thought na may ganito palang mangyayari."
"Me too. December, nang sabihin ng magulang ko na hindi talaga nila ako tunay na anak. Tapos sinabi nila na ang magulang mo daw ang biological parents ko."
Tumango ako.
Sa totoo lang, naninibago ako. Naiilang ako. Hindi ako sanay. Hindi ko alam kung kailan ako masasanay.
"Naiinggit ako." biglang bulaslas ko.
"Huh?" tanong niya.
"Nang maabutan ko kayo, bigla na lang na parang sinaksak yung puso ko. Maybe kasi never pa kong yinakap ng parents ko ng ganun. Maybe si Papa pero si Mama never talaga." sabi ko.
"Ganyan rin naramdaman ko dati." napatingin ako sa kanya habang nakatutok ang mata niya sa tv, which is Ben 10 ang palabas.
"Eh? Ang sweet ng foster parents mo at ang caring nila." sabi ko sabay pikit ng mata ko. "Medyo naiilang rin ako sa'yo. Kasi magbarkada tayo. Yung feeling na hindi ko tanggap pero ayos lang. Ganun."
"Alam kong naninibago ka lang kaya gagawin ko ang lahat para matanggap mo ako. Para maging isang good brother sa'yo na susuporta sa mga desisyon mo."
"Sure. But I'll never call you 'kuya' since kinalakihan ko na na magbarkada tayo." ngumisi ako.
Nagkibit balikat siya. "I'm sure tatawagin mo rin akong kuya in time." sabi niya sabay tayo at nagpaalam.
~~~
"Kapatid mo si Jake?! Paano—" binatukan ko siya.
"Chill Nate. Masyadong hot eh." nandito ako ngayon sa tapat ng kotse ni Nathan at nasa labas kami ng bahay.
Kinawayan ko si Jake. Ganun rin ang ginawa niya bago pumasok ng kotse. Kumaway rin ako kay Papa.
Ihahatid kasi nila si Jake. Bakit nila ihahatid si Jake? He's a kid no more. Hindi man lang nila ako sinabay. Tinawagan ni Mama si Nathan para sunduin ako.
"Bakit hindi ka nila sinabay? Tinawagan pa talaga ako ni Tita."
"I don't know. Baka ayaw niyang kasabay ko ang long lost brother ko." sabi ko sabay bukas ng radio niya at nag-soundtrip.
Habang nagb-byahe kami, itinigil niya ang kotse sa may gilid. May kotse ngayon sa harapan namin.
Tinignan ko siya. "Nasiraan ata ng kotse yung babae. Tulungan ko lang." tinanguan ko siya.
Bahala siya sa buhay niya. Hindi naman ako malelate. 6:45 pa lang at 7:40 ang klase namin kaya hinayaan ko na lang siyang tulungan yung babaeng nasiraan ng kotse.
♫ ►It started on a weekend in May
I was looking for attention
needed intervention
Felt somebody looking at me
With a powder white complexion
feeling the connection
Wait. Babae?!
The way she looked was so ridiculous
Every single step
Had me waiting for
the next
Before I knew it, it was serious
Dragged me out the bar
To the backseat of a car ♪♫
"Ar?" tawag niya sa akin.
"Hmm?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"Pwede ba siyang sumabay sa atin? Ayaw kasing mag-start ng kotse niya." tumingin na lang ako sa kanila ng ma-out ako.
Napanganga ako ng makita siya.
Alex Ong. Eto yung nambully kay Angel dati na classmate ko.
Biglang uminit ang ulo ko. Eto rin yung pilit lumalandi kay Nathan dati. Gash!
"Okay." yun na lang ang nasabi ko tsaka pumikit. May magagawa pa ba ko? Nasiraan siya eh. Hindi naman ganun kakitid ang utak ko.
Sumakay na sila at pumwesto si Alex sa back seat. Pinaandar na niya ang kotse habang pilit ko pa ring pinapakalma ang sarili ko.
==========================================================
A/N: Improved version of chapter 2
#TPL2
YOU ARE READING
The Playboy's Love
Ficción GeneralAno kayang mangyayari sa future ko kung ang boyfriend ko ay walang ibang iniisip kung hindi babae, babae at babae? May girlfriend na nga, lumalandi pa. Paano ko kaya mapag titiyagaan ang ugali niyang manyak at playboy? Bakit ba kasi ako nagkaroon...