Arcy's POV
"Ang equilibrium ay ang isang punto kung saan may balanse ang supply at demand dahil nagkakasundo ang mga mamimili at ang nagtitinda. Partikular itong..."
"Nate, pakurot nga ng kamay ko." bulong ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko sa ilalim ng desk at pinisil ito imbis na kurutin. Medyo nagising naman ang diwa ko kaya ayos lang.
Boring. Kailangan ko ng toothpick sa mata ko.
Hindi ko alam kung dahil ba sa lesson or sa panahon. Ayos naman kasi magdiscuss yung teacher namin, mabilis nga lang.
Dahan-dahan kong tinignan ang orasan sa itaas ng board.
Okeh. 11:57 na.
"Make an advance reading about our next lesson. Good day class." sabi ni Sir sabay ayos ng gamit niya.
"Good day, Sir."
"Ang boring. Inaantok ako." sabay sandal ng ulo ko sa desk at pumikit.
"Hmm. At meron pa palang Periodic Test sa Math sa Wednesday." buntong hininga ni Nathan.
"Uhuh." antok na sabi ko.
"Arcy." tawag niya sabay kalabit sa akin.
"Yes, Nate?" bulong ko.
"Baliw."
"Gago."
"Baliw."
"Gago."
"Baliw."
"Shut up." natatawang sabi ko sa kanya.
Ganyan talaga kami mag-asaran.
"Joke lang bebe ko." sabi niya sabay lapit ng upuan niya sa akin.
"Matutulog ako." paalam ko.
"Okay. Dun na muna ako kina Alex. Kukumustahin ko lang kung ayos na yung kotse niya." pagpapaalam niya sabay punta sa pwesto nina Alex.
"Gago!" sigaw ko kaya napalingon sila sa akin. Umirap naman si Alex. Ngumiti muna si Nathan tsaka alis sa pwesto nila.
"Arcy, wag kang masasanay dyan sa 'gago' kasi gwapo dapat yun." nakangising sabi niya.
"Lol. Sapak gusto mo?" naiinis na sabi ko sabay tingin sa kanya ng masama.
Kahit tungkol sa kotse ang dapat pag-uusapan nila, naiirita pa rin ako.
"Gago-Baliw couple, Tara na." napairap ako sa tinawag ni Ash sa amin. Minsan na nga lang kami magtawagan ng Gago-Baliw.
"Hi Chris." bati ko kay Chris.
Ngumiti naman siya tsaka kumaway.
"Ang tagal niyo. Mauuna na nga kami." sabay hila kay Chris papunta ng cafeteria. Lumingon ako kay Chris na mukhang nagulat yata sa ginawa ko.
Napasigaw ako ng matapilok ako kaya pumikit ako pero may naramdaman akong humila sa baywang ko.
Pagkadilat ko ay nakita ko si Chris na hawak-hawak ang baywang ko.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya.
Tumango ako. "Ayos lang." sabay ayos ng tayo ko at pagpag ng uniform ko.
"Tara na." nakangiting sabi niya sabay hila sa akin.
Pagkarating namin ng cafeteria, punuan kaya naghanap kami ng lugar.
Nang may makita akong pamilyar na mukha, sinigaw ko ang pangalan nila at kumaway-kaway.
Tumakbo kami papunta sa katabing table nina Kuya Amiel.
"Hi Ate Cindy. Hi Kuya Amiel." binati rin nila ako bago ako makaupo.
Tumabi si Chris sa akin. Pabilog yung mga upuan dito sa cafeteria.
Habang hinihintay sila, sinuot ko ang earphones ko at nagpatugtog.
"Buti naman at dumating kayo. Nakadami na ko ng kanta dito." naiinip na sermon ko sa kanila.
"Sorry naman. Si N---" biglang tinakpan ni Nathan ang bibig ni Steve.
"Babatukan kita Steve pag hindi ka tumigil." bulong ni Nathan pero rinig ko pa rin dahil magkatabi lang kami.
Inalis naman ni Steve yung kamay ni Nathan sa bibig niya tsaka nagsalita. "Chill Nate. Masyado kang hot bro." tinawanan siya ng Steve habang masama ang tingin ni Nathan sa kanya.
"Oh yeah." bulong ko habang kumakain.
"Oh yeah?" tanong ni Chris sa akin. Binelatan ko lang siya.
"Ehem may nagseselos." pag ubo ni Camille kaya napatingin naman ako sa kanya.
"Sinong nagseselos?" tanong ko sa kanila sabay tingin kay Nathan.
Ngumiti na lang siya sa akin tsaka umiling.
==========================================================
A/N: Improved version of chapter 4
#TPL4
YOU ARE READING
The Playboy's Love
General FictionAno kayang mangyayari sa future ko kung ang boyfriend ko ay walang ibang iniisip kung hindi babae, babae at babae? May girlfriend na nga, lumalandi pa. Paano ko kaya mapag titiyagaan ang ugali niyang manyak at playboy? Bakit ba kasi ako nagkaroon...