Arcy's POV
"You may now kiss the bride."
Dahan-dahan na naglapit ang mukha ni Julia at Jake at naglapat ang kanilang mga labi.
Nagsigawan kami at nagwala kami. Ayun ang first kiss nila na nakita namin.
Hinawakan ni Nathan ang pulsuhan ko at hinila ako patungo sa kung saan.
Nakarating kami sa secret place namin which is sa may park ng school. Magkaiba kasi ang garden at park sa school namin.
Nahagip pa ng paningin ko ang mga pagkain na hinanda namin para lang sa fake wedding na 'to. Ramdam na ramdam nila na sila na talaga para sa isa't isa.
Lol. Walang poreber, 'keh?
"Bakit mo ko dinala dito? Sana sumabay na lang tayo sa kanila."
Nginitian niya naman ako at pinaupo. "Ayaw mo yun? Solo natin ang isa't- isa." sabi niya sabay taas baba ng kilay niya.
Binatukan ko siya atsaka nagkwentuhan nalang habang hinihintay namin sila.
Sabay- sabay silang nagdatingan kaya umingay na yung paligid.
"Excited ata 'tong love birds na 'to, inunahan tayo dito." sabay tawa ni Julia.
"Huwaw. Kung love birds kami, ano pa kayo? Sugar na linalanggam?"
Sinamaan niya lang ako ng tingin. "Corny mo."
"JAKE!" napatingin kami sa sumigaw at nakita namin si--- lol sino 'to?
Dumiretso siya sa lugar namin at niyakap si Jake. Hindi niya napansin na nakahawak si Julia sa braso nito.
"OMG Jake where did you go? I'm looking for you sa every sulok ng school pero I can't see you." maarteng sabi nung babae.
"I'm looking for you sa every sulok ng bla bla bla." bulong ni Julia.
Hinila niya si Jake palayo sa babaeng yumakap sa kanya at hinarangan.
"Excuse me, miss. Respeto naman sa girlfriend." tinaasan ko siya ng kilay.
Tinaasan niya rin ako ng kilay at tinignan ako mula ulo pababa. "Excuse me rin, miss. As far as I know walang girlfriend si Jake. So if you'll just back-off." maarteng sabi niya.
Tinignan ko rin siya mula ulo hanggang pababa. "Hanggang saan ba ang alam mo kay Jake? Bulag ka ba na hindi mo nakita na nakahawak ang girlfriend niya sa braso niya?" tanong ni Julia.
"Oh. You must be Julia? Yung bago niyang fling?" taas noong tanong niya.
"Nate pigilan mo ko. Kakalbuhin ko 'yang babae na 'yan." bulong ko.
"Shh Ar. Chill okay? Gusto ko sa akin ka lang possessive." bulong niya.
"Leinn, stop it." matigas na sabi ni Jake sabay mahinang tulak kay Lyn.
LEINNta ganern?
"Julia is not my fling. Julia's my future. She's my world." galit na sabi ni Jake.
"How about me? I'm also your girlfriend!" sigaw niya.
"What? Jake?" sinamaan niya ng tingin si Jake.
"No baby." sabi ni Jake kay Julia at lumingon kay Leinn. "That was years ago! Noong hindi ko pa siya nakilala. Not now." sabi niya sabay hila kay Julia paalis.
"Jake!" sigaw ni Leinn at susundan sana siya pero hinawakan ni Karylle ang braso niya.
"Sasabat ka pang gaga ka eh. Look, Jake is done being casanova or whatsoever. Kung may natitira ka pang hiya, please. Save yourself." sabi ni Karylle.
Padabog siyang nag walk-out sa amin. Nagkibit balikat na lang ako at umupo.
Inilahad ni Nathan ang kamay niya sa akin kaya tinignan ko lang siya.
"What?" tanong ko.
"C'mon Ar.." sabi niya sabay hawak ng kamay ko kaya wala na akong choice kundi tumayo.
"Guys sa cafeteria lang kami." sabi ni Nathan sabay hila sa akin.
"Eh? Bakit tayo pupuntang cafeteria?" tanong ko.
"Sa cafeteria lang may chocolate."
Tumango na lang ako.
Umupo ako at siya na ang nag-order ng chocolate cake with cookies and cream shake at mango shake. Pagbalik niya ang nagpaalam siyang magc-cr lang siya.
"Ubos na agad?" gulat na tanong niya.
"Uhmm. Yep." nagkibit-balikat ako.
Malawak siyang ngumiti atsaka sinimulang kumain habang nagk-kwentuhan kami.
Habang nag-uusap kami, bigla siyang tumawa ng malakas kaya pinagtinginan siya sa cafeteria.
May iba pang inilabas ang phone nila atsaka pinicturan siya.
"Oh ano? Tapos ka ng tumawa? Dinaig mo pa si Azi, Josiah, Vash, Jacob, atsaka si Kaizer sa kakatawa mo." reklamo ko habang umiinom ng cookies and cream shake.
"Wtf? Sino yung mga binanggit mo?" tinignan niya ako ng masama kaya mahina akong natawa. Oh ghad. Ang cute niya.
"Crushes." natatawang sabi ko.
"Why do you have other crush? Dapat ako lang." naiiritang sabi niya.
Nginitian ko lang siya atsaka ti-nap ang ulo niya.
"Tara na." sabay hawak ng kamay niya at hinila ko siya papuntang parking lot.
Niyakap ko siya pagkarating namin sa tapat ng sasakyan niya.
Hindi siya nagsalita at basta na lang niya kong niyakap.
Lumayo na rin ako mula sa pagkakayakap after five minutes.
Sumakay na kami at inihatid niya na 'ko sa bahay.
"Para saan 'yon?" tanong niya.
"For having my crushes." sabi ko sabay tawa ng malakas.
Umiling-iling na lang siya. I think okay na kami 'dun.
"Nandito na tayo." sabi niya. Tumango ako atsaka inalis ang seat belt. Inalis niya rin ang seat belt niya atsaka pinagbuksan ako ng pinto.
"Thanks." sabi ko sabay labas. "Bye. Ingat." sabi ko.
"I love you." sabi niya sa akin.
Nag-okay sign ako. Siya rin. Ganun ang signal namin lagi.
Papasok sana ako ng makita kong dalawa ang nakapark na kotse. For sure kina Mama at Papa yung isa. Pero yung isa, familiar.
Pagpasok ko, nakita ko si Jake.
Si Jake. Yakap-yakap niya ang parents ko. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.
Never pa nila akong niyakap ng ganyan.
"Anong meron?" nauutal na tanong ko sa kanila.
Naghiwalay sila mula sa pagkakayakap at tinignan ako. Malawak ang ngiti ni Mama sa akin habang si Papa ay matipid lang akong nginitian.
"Arcy, nakita na namin ang kapatid mo." natigilan ako sa sinabi nila.
May kapatid ako? Sino? Si Jake? O si Jake ang tumulong para makita yung kapatid ko?
"Si Jake, ang kapatid mo. Close na kayo diba? Mas maganda kung magbobonding pa kayo." ngayon ko lang nakitang ngumiti sa akin si Mama.
Hindi ako nagsalita. Ayaw magprocess.
Kapatid ko talaga si Jake?!
==========================================================
A/N: Improved version of chapter 1 (Oct. 30, 2016)
#TPL1
YOU ARE READING
The Playboy's Love
Ficción GeneralAno kayang mangyayari sa future ko kung ang boyfriend ko ay walang ibang iniisip kung hindi babae, babae at babae? May girlfriend na nga, lumalandi pa. Paano ko kaya mapag titiyagaan ang ugali niyang manyak at playboy? Bakit ba kasi ako nagkaroon...