Chapter 10

730 29 4
                                    

Arcy's POV

Oh my gosh. Ipagkaila ko man na kinikilig ako, pero kinikilig talaga ako. Bwiset.

"Ehem." napalingon ako sa kung sino iyon. SI Julia. Ngumiti naman sila sa akin tsaka tumakbo papalapit sa amin atsaka ako niyakap.

Si Chris, Steve, Coleen, Chloe atsaka si Jake.

"Namiss ka namin." sabi ni Chris habang yakap-yakap ako.

"Ate! Waaah!" sigaw ni Coleen. Natawa ako sa inasta niya. Nilapitan ko silang kambal atsaka binigyan ng mahigpit na yakap

"Huwaah, Ate! Namiss na talaga kita! Alam mo ba Ate, tinuturuan ako ni Kuya na magmura." pagkasabi ni Coleen ay sinamaan ko ng tingin si Nathan. Walanghiyang Kuya!

"Bakit mo tinuturuan 'tong kapatid mo magmura? Anong klaseng kuya ka!" sabi ko atsaka siya binatukan.

Lumapit ako kay Coleen at tinanong kung anong tinuturo ng Kuya niyang gago.

Lumapit siya sa akin at may ibinulong.

"Ehem. 'Nu ba yang pinapasabi mo puro kasinungalingan." 

Pilit ba namag ipasabi sa kambal na gwapo siya. Napaka hangin talaga ng utak nito.

"Ano bang sabi? Hindi ko naman siya tinuruan!" iritadong sabi niya.

"Sabi mo dapat sabihin nila na gwapo ka! Hindi mo nga tinuturuang magmura, tinuturuan mo namang magsinungaling." sabi ko kaya nagsitawanan sila.

Asar na asar na lumapit sa akin si Nathan kaya natigilan ako.

"Hindi ako gwapo?" nakangusong sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa akin.

"Nope." sabi ko.

"Talaga?" sabi niya sabay lapit pa sa akin lalo.

"Hindi nga sabi. Lumayo ka nga baka masuntok kita." pagbabanta ko. Jusko sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Alam kong nag-ehem halikan kami kanina pero iba ngayon.

"Talaga?" at mas lalo pa siyang lumapit. Dahil pasaway siya, sinuntok ko siya.

---

Bati na kaming lahat. Pero still, may sama pa rin ako ng loob sa kanila. Sa ilang araw na pang-iiwan nila sa akin kahit plano daw nila yun.

Pero kahit ganun, mahal ko pa rin sila. At nandidiri ako sa sobrang kacheesy-han ko. They made my life complete. Hindi man perpekto yung samahan namin, masaya pa rin kami. Sila talaga ang totoong nagmamahal sa akin.

Alam ko may kulang pa rin. Dahil alam kong mamaya, kahit nandyan sila ay hindi ko mararamdaman ang pagmamahal nila.

I wish sana itrato nila ako na parang ako lang ang prinsesa nila. 

Sana mahalin ako ng magulang ko.

==========================================================

A/N:  Shorter and improve chapter of Chapter 9

#TPL10

The Playboy's LoveWhere stories live. Discover now