Chapter 8

745 33 1
                                    

Arcy's POV

Wtf? Anong nangyari? Nagalit na siya agad dahil aksidente ko siyang nasuntok? Nyeta lang ha. Eh sa nagulat ako.

Mag- isa na lang ako ngayon. Nilalayuan na ako ng mga kaibigan ko at galit ang boyfriend sa sobrang babaw na rason.

Pumasok na lang ako sa classroom ng tahimik. Pinagtinginan nila ako pagkapasok ko sa room.

Anong nangyari?

Yumuko ako at tahimik na pumunta sa upuan ko. Dahil may twenty five minutes pa naman ako ay inilabas ko ang mga notes and assignment ko.

Isinuot ko rin ang earphones ko tsaka nagpatugtog ng kanta. Senti-mode muna is me.

Oh God. Sana po tama ang sagot ko sa 1 to 20. 

Habang nirereview ko yung assignment ko, may naramdaman akong umupo sa tabi ko pero hindi ko na lang pinansin.

"Arcy." boses pa lang alam ko ng si Nathan yun pero hindi ko siya pinansin. Busy ako sa pagrereview ng assignment ko. Atsaka naiinis ako sa kanya.

"Baliw." tawag niya sa akin habang kinakalabit ako. Etong lalaking 'to kumo-quota na 'to sa akin malapit ko na siyang banatan.

"What do you want?" asar na tanong ko sa kanya. Nagulat siya pero hindi yun nagtagal at ngumiti siya sa akin tsaka nag peace sign. 

Nakaka-asar talaga 'tong lalaking 'to. Parang kanina hindi siya galit ha?

"Pwedeng pakopya ng assignment mo?" tanong niya habang nakangisi sa akin.

"Ayoko." sabi ko naman tsaka isinara ang math notebook ko tsaka itinago sa bag. Five minutes na lang, Math subject na. At sobrang terror ni Sir Alvarez. 

Lagot ka ngayong pakshet ka. Bahala ka dyan.

"Please?" pagmamakaawa niya.

"No." 

"Sige na." pagpapacute niya.

"No." 

"'Di wag." iritadong sabi niya tsaka lumipat ng pwesto papunta sa lugar ni Alexandra.

Aba't siya pang may ganang magalit lalo.

Now I know kung bakit nila ako iniiwasan.

Hindi nila matiis ang ugali ko.

Bigla na lang akong may naramdaman na mainit sa pisngi ko. Dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi ko.

Umiiyak na pala ako.

Naiiyak ako kapag nakikita kong kasama ni Nathan si Alexandra kahit naaawa ako sa kanya.

Paano kung mawala yung pagmamahal na nararamdaman niya sa akin?

Pumikit ako at paulit-ulit na hinihiling na sana hindi mangyari 'yon hanggang sa dumating si Sir Alvarez.

---

Nakaperfect ako sa assignment namin na 1 to 20 pero hindi ako masaya. Naiinis ako.

"Ang lalim ng hukay ha?" basag ni Kayla sa katahimikan. Lunch na at kaming dalawa lang ang nandito. Nasa cafeteria kasi sila. Yung iba ewan ko.

"Wala." sabi ko. "Hindi ka kakain?" tanong ko sa kanya.

"Tapos na ako." natatawang sabi niya.

The Playboy's LoveWhere stories live. Discover now