Chapter 6

883 31 0
                                    

Nathan's POV 

"Paksht." galit na bulong ko habang hinahanap si Baliw.

Hindi ako sa kanya galit kundi sa sarili ko.

Bakit ko ba kasi ginawa yun?

Hindi ko naman sinasadya. No. Sinadya ko yun. Hindi naman mangyayari yun kung hindi ko sinadya.

Ano bang ginagawa ko? Tangina.

"Arcy!" sigaw ko pero walang sumasagot. Malakas ang hinala ko na nandito siya dahil paborito niyang tumambay dito dati. 

Hinanap ko na siya simula ground floor, kahit sa mga girls cr nahanap ko na siya pero pinagkumpulan lang ako ng mga babae.

"Arcy!" sigaw ko.

"Kainis! Bakit pa siya pumunta dito?" dahan-dahan akong naglakad patungong storage room. Nakita ko siyang nakatago ang mukha niya sa kanyang mga tuhod. Alam kong siya yan.

"Excuse me? May nakita ka bang babae na mukhang baliw na maganda? Yung kasing- ganda mo?" tanong ko kaya napaangat siya ng tingin sa akin at basang-basa ang mukha niya ng mga luha.

Umupo ako sa tabi niya pero tumayo naman siya at aalis na sana ng hawakan ko yung kamay niya. "Huwag kang aalis sa tabi ko." malungkot na saad ko. Walang emosyon siyang tumingin sa akin pero nandoon pa rin yung bakas ng mga luha niya at namumulang mata.

"Huwag mo kong hahawakan. Nandidiri ako sayo at sa ginawa mo."  walang emosyon na sabi niya kaya mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kanya at tumayo.

"I'm sorry sa mga na--" bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay nakita kong ngumiti siya sa akin. "Okay lang. Bitawan mo na ako." sabi niya ng nakangiti.

Yinakap ko siya. Mukhang natigilan siya dahil sa ginawa ko. Pero hindi nagtagal ay nakarinig ako ng mga mahihinang iyak.

Humiwalay na ako sa yakap at hinawakan siya. Tumingin ako sa mga mata niya. "Arcy. Alam kong nasasaktan ka kaya saktan mo rin ako. Ayokong umiiyak ka." malungkot na sabi ko.

"Oo. Nasasaktan ako. Pero hindi ko kayang saktan ka. Kahit.. K-Kahit gustong-gusto kitang tadyakan at suntukin. H-Hindi ko kaya..." mas lalong lumakas ang iyak niya ng sinabi niya yan. This is all my damn fault.

"Look Arcy. Hindi ko maipapangakong hindi na kita masasaktan. Pero susubukan ko na hindi ko gawin yun. Because.. I freakin' love you." sabi ko sabay halik sa labi niya.  

I can't promise.

Arcy's POV

That moment when gustong-gusto kong magalit sa gago na 'to sa mga kagaguhang ginawa niya pero parang nag-evaporate yung galit ko ng halikan niya ako.

I just realize na hindi ako dapat magalit kay Alex. 

Why?

Kasi nagmamahal lang rin naman siya. Pero nagkataon na hindi siya napagbigyan ng tadhana. Oo naiinis pa rin ako sa kanya kasi inaapi niya ako simula ng maging magkaibigan kami ni Nathan hanggang sa maging kami. Pero mas nangingibabaw yung awa.

Humiwalay na ako sa yakap at pekeng ngumiti. Kahit naman naaawa ako kay Alexandra, nasasaktan pa rin ako sa nangyari kanina.

Ayoko ng maging ganito. Ayoko ng maawa agad. Lalo na sa mga gumagawa sa akin ng masama but I can't help it.

---

"Ganun-ganun na lang 'yun? Pagkatapos ng ginawa niya sayo?" nakakabinging sigaw ni Julia sa akin.

Yumuko na lang ako at hindi nagsalita. I kinda expect this. Sino ba namang hindi magagalit, diba?

"Chill lang, Julia." pagpapakalma ni Patty kay Julia. Umirap naman siya.

"Pero tama naman si Julia. Dapat hindi mo muna siya pinatawad. Isang yakap tsaka sorry lang bumigay ka na agad. Tanga lang?" sabi ni Karylle kaya kumunot yung noo ko sa sinabi niya. "This is my serious face." sabi niya kaya napatawa sila except sa akin at kay Julia na masama ang tingin kay Karylle. "CHILL!" natatawang sabi niya.

"Ang tanga mo talaga Arcy." sabi ni Patty kaya malungkot akong tumingin sa kanya.

"Nag-promise naman siya na hindi na uulitin yun eh." sabi ko.

"Ha-ha-ha. You know what, Arcy? Promise are meant to be broken!" iritadong sabi niya sabay tayo at naglakad palayo sa amin.

Pero bago pa siya makalayo "Huwag mong iisiping galit ako sayo. Tinutulungan lang kita sa problema mo. And it seems like you don't need my help. Why bother anyway?" sabi niya ng nakatalikod sa amin tsaka tuluyang umalis. Sinundan siya ni Jake pero bago yun, tinignan niya ako ng "let's-talk-about-this-later" look bago tuluyang umalis.

Tumayo na rin sina Patty and the rest. Bigla namang nagsalita si Mika. "Tingin ko dapat mong sundin si Julia. Nag-aalala lang siya sayo. And kami rin. Nag-aalala. Knowing Nathan, alam kong hindi niya kaya ng walang babae." bago mag walk out. Tinignan lang ako nina Camille and yung iba. Pagkatapos ay sumunod rin sila sa direksyon ni Julia.

Sabi ko na nga ba. Hindi nila ako maiintindihan.

Walang magmamahal sa isang tulad ko.

Ano bang mali sa akin?

Maglilibrary na lang ako. Tutal library hour namin ng two hour and then dissmisal na.

~~~

"Ano bang problema sa akin?" pabulong na tanong ko sa sarili ko tsaka nagmukmok sa sofa ng library.

Bakit ganun? Lumalayo ba sila sa akin? Wala naman akong ginagawang masama diba?

"Hello!" napalingon naman ako kung sino yung tumabi sa akin. 

I'm expecting them. But expect the unexpected.

"Hi Kayla." nakangiting sabi ko tsaka ngumiti ng pilit.

Siya si Kayla. Tahimik lang siya sa klase. Pero kung magiging friend mo siya, kabaligtaran siya ng pagiging tahimik. Nung christmas party nga namin, tinanong siya ni Alexandra noon kung sino yung kumain ng dalawang donut. Huwag ko daw sasabihin.

Hindi ko mapigilang matawa ng maalala yun.

"Bakit ka tumatawa?" tanong niya habang nakatingin sa phone niya. Nagbabasa ata.

"Wala lang."  sabi ko sabay kuha ng cellphone ko at nagbasa ng story.

Pasimple akong tumingin sa pwesto nina Julia na kahit nakatingin sila ay hindi nila mahahalata. Nakita kong nakatingin sa amin sina Julia habang naka nakapatong yung baba nila sa dalawang palad nila."Anyway. Bat hindi mo kasama bff's mo?" tanong ni Kayla sabay tigil ng pagbabasa at tumingin sa akin. Nagkibit balikat na lang ako at naglagay ng earphones sa tenga ko at nag play ng music. 

Kaibigan ko ba talaga sila? I mean, a true friends ko ba talaga sila. Hindi naman sa pinagdududahan ko yung pagsasama namin. Pero parang ganun na rin yun. 

Anong gagawin ko? Kung kakalimutan nila ako bilang kaibigan nila, then I can also do that.

==========================================================

A/N: Improved version of Chapter 6

#TPL6

Merry Christmas!

The Playboy's LoveWhere stories live. Discover now