Arcy's POV
"Nate! San ka pupunta?" tanong ko ng makita ko siyang tumayo. Hindi siya ako pinansin at umalis na lang basta-basta.
"Anong nangyari? Bakit umalis yun?" tanong ko sa kanila.
Nagkibit balikat na lang sila habang sina Camille, Katrina, at Steve ay nakangisi sa akin.
"Bakit ganyan kayong makangiti? Hindi ko gusto yang ngisi niyo." sinamaan ko sila ng tingin. Tumayo si Camille at tinabihan ako, umupo siya sa pwesto kanina ni Nathan.
"Arcy gaga ka." sabi niya at binatukan ko siya. "Hindi mo ba napansin? Nagseselos ang gago mo. Sundan mo na!"
Napanganga ako sa sinabi niya at tumayo. Lumabas ako kung saan lumabas kanina si Nathan.
Lol. Bakit naman nagselos yun? Gago talaga siya. Hindi niya ba alam na hindi ko siya kayang ipagpalit? Ugh.
"Ay gagi!" napasigaw ako ng may sumundot sa tagiliran ko.
"Walangya ka Juls." sabay hampas sa braso niya.
Tumawa siya. "Tutulungan lang naman kita. Kung ayaw mo, edi wa--" bago pa niya matapos yung sinasabi niya, hinila ko na siya para agad naming mahanap si Nathan.
"Sa locker room muna tayp. Ilalagay ko lang 'to." sabi ni Julia sabay pakita ng librong ginamit namin kanina.
"Okay." sabi ko at dumiretso sa locker room.
~~~
Pagpasok namin sa loob,
WHAT
THE
HELL
Si Nathan... nakikipag make- out sa isang babae. In fact, hubad na ang pang-itaas na damit nito. "Oh my God." gulat na bulong ni Julia at nailaglag ang hawak niyang libro.
"Mauna na ako." hindi ko na hinintay yung sasabihin niya at umalis.
Hindi ko kayang panoorin yung boyfriend ko na may kahalikang iba.
Lalo na kung si Alex iyon.
Julia's POV
"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ko sa kanila tsaka pinulot yung libro ko at ibinato sa kanila ang libro na hawak ko.
Lumapit naman sa akin si Nathan pero bago niya ako mahawakan ay isang malutong na sampal ang ibinigay ko sa kanya.
"Kapal naman ng mukha mong gawin yan kay Arcy! Gago mo!" sigaw ko hampas sa kanya.
"Sorry, Julia. It's not what you think. Mag-eexplain ako. Huwag mo lang sabihin kay Arcy." nagsisising sabi niya. Itinigil ko ang paghampas sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay.
Sarcastic akong napatawa. "Hindi na kailangan Nathan. Nakita niya lahat ng nakita ko." naglakad ako palabas. "Hindi mo ba siya susundan?" inis na sabi ko.
Tumakbo siya palabas ng locker room at naiwan ako kasama ng hindot na 'to.
"Ang landi mo." mariin na saad ko sabay sampal sa kanya ng malakas. "Saan ka ba pinaglihi? Sa hipon?" at sinampal ko ulit siya sa kabila bago tuluyang umalis.
Arcy's POV
Ang sakit sa pakiramdam. Hindi ito yung unang pagkakataong naabutan ko siyang may ginagawang milagro. Pero kapag nangyayari 'to, lagi ko siyang napapatawad. Ang hapdi sa puso pero handa pa rin akong tanggapin siya kasi mahal ko siya.
Nakarating ako sa 6th floor ng school namin. Pumwesto ako sa walang tao at umupo at nagsimulang umiyak. Umiyak lang ako ng umiyak tutal ito lang naman ang kaya kong gawin kasi duwag ako. Kasi mahina ako. Kasi tanga ako. Kasi mahal ko siya.
I feel like a trash. Imbis na ipagtanggol at ipamukha ko sa kanya na ako yung girlfriend niya, pakiramdam ko isa lang ako sa mga batalyong nagkakagusto sa kanya. I'm nobody.
Hindi na ako sanay sa sakit na ito. Itong heartbreak na 'to.
"Kaya pala may naririnig akong kanta, Naka -earphones pa pala ako." natatawang sabi ko ng mapansin kong may naririnig akong kanta.
Kung may tao lang dito bukod sa akin, iisipin nilang nababaliw na ako dahil tumatawa akong mag-isa.
"Arcy!"
Alam ko kung kanino boses yun. Bakit nandito siya? Ayokong makita niya akong ganito.
Ibinaon ko ang mukha ko sa tuhod ko.
==========================================================
A/N: Improved version of Chapter 5
#TPL5
YOU ARE READING
The Playboy's Love
Narrativa generaleAno kayang mangyayari sa future ko kung ang boyfriend ko ay walang ibang iniisip kung hindi babae, babae at babae? May girlfriend na nga, lumalandi pa. Paano ko kaya mapag titiyagaan ang ugali niyang manyak at playboy? Bakit ba kasi ako nagkaroon...