Chapter 7

767 29 0
                                    

Arcy's  POV

Nagbuntong hininga ako atsaka sumigaw ng sumigaw. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nila ako iniiwasan.

"Ahhh! Waaaaa--" 

*boogsh!*

"What the fish?" sigaw ni Jake pagkasipa ng pinto. "Are you alright?" tanong niya, bakas sa boses niya ang pag aalala.

"Okay? Sira ba ulo mo? Una, hindi ako makapag isip kung paano ako lalayo sa inyo. Pangalawa, sinira mo yung pinto ko!" hiyaw ko sa kanya sabay tingin sa pinto at tuluyan ng bumagsak.

"Sorry, okay? Sigaw ka kasi ng sigaw diyan. Nagmumukha kang tanga." iritadong sabi niya tsaka humiga sa kama ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin tsaka tinurn-on ang t.v...

"Shut up." Inilipat ko ang tingin ko sa t.v. at inilipat ko ang channel ng Ben 10: Omniverse. 

"Yung totoo, lil sis? Tomboy ka ba?" tanong niya sa akin habang nakatingin at kitang-kita ko sa gilid ng mata ko na nakangisi siya.

"Eh kung sinipa ko yang mukha mo?" 

"Chill." natatawang sabi niya habang nakatingin sa t.v.

"Gusto mo bang ipagkalat ko na nanunuod ka ng Power Puff girls?" nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"H-Hindi ako n-nanunuod!" nauutal na sigaw niya sa akin sabay iwas ng tingin. 

Gusto ko nang magwala dito sa sobrang tawa ko sa fact na nanunuod siya ng "Power Puff Girls" at sa sobrang epic ng mukha niya.

"Your secret was revealed. Congratulations!" asar ko sa kanya.

"Hindi nga ako nanunuod ng Power Puff Girls!" pagtanggi niya.

"Weh? Ang defensive mo masyado. Napaghahalataan ka tuloy." natatawang sabi ko at sumipa-sipa para pigilan ang tawa ko. "Blossom? Bubbles? Buttercup? Sino?" 

"OO NA! ANO NGAYON? MASAMA?" nagulat ako sa sigaw niya at sa pamumula ng mukha niya. Scary. Geez.

"Chill. Bilis mo namang bumigay." sabi ko.

"Bakit ba kita naging kapatid?" tanong niya kaya natigilan ako. 

Okay.

Mukhang nakita niya yung reaksyon ko.

Natigilan rin siya sa sinabi niya. Magsasalita sana siya ng pigilan ko siya.

"Labas." bulong ko, pero sapat para marinig niya.

"Sorry, lil sis. Hindi--" 

"Huwag mo na akong tatawaging lil sis. Labas." malamig na pagkasabi ko, pilit tinatago ang sakit.

Tumayo na siya atsaka lumabas. Bago siya tuluyang lumabas, narinig ko siyang bumulong ng...

"Sorry." bulong niya bago tuluyang sinara ang pinto.

Okay na sana eh. Sana hindi na lang niya sinabi yun. It offends me. Like, really. Buti na lang napigilan ko na bumigay at tanggapin siya.

How to be strong? I'm emotionally weak.

 Nathan's POV

"Kuya!" tawag sa akin ni Coleen, isa sa nakababata kong kapatid.

The Playboy's LoveWhere stories live. Discover now