Chapter 1

340 24 1
                                    

Isinabit ko sa isang balikat ang aking bagpack at sumulyap ulit sa salamin at ng makuntento na ako sa itsura ko ay kinuha ko ang skate board ko at lumabas na ako ng Kwarto.

"Alis na ako Ma" paalam ko kay Mama na abala sa paghuhugas ng pinggan

"Mag ingat ka ha"

Hindi ako sumagot at nagmadaling lumabas ng bahay. Dahil malapit lang naman ang University na pinapasukan ko ay nag skate board nalang ako patungo doon at na-miss ko itong gawin. Ito ang unang araw ng pasok ko as Third Year college, taray isang taon nalang at makakaalis narin ako sa eskwelahan.

Ngumunguya ako ng chewing gum habang makalmang pinapaandar ang skate board ko. Tumawid ako at sa katangahan ay hindi ko napansin na may paparating na sasakyan, saka ko nalang ito napansin ng nasa gitna na ako ng maluwang na kalsada.

Taranta kong binilisan ang pagpapaandar at parang nalaglag ang puso ko ng mag busena ang kotse kaya napasigaw ako sa takot. Nawalan ako ng balanse at kontrol, eksaktong naitama ako sa kalso kaya natumba ako.

"Argh!" inis kong singhal at naramdaman kong masakit ang likod ko. Iginala ko ang paningin ko para hanapin ang skate board ko at napanganga ako ng makita ko itong sira sira na at nasa ilalim ng kotse. "Skate board ko!!" sigaw ko at akma na sana akong tatayo kaso napahinto ako ng makitang may sugat ako sa tuhod pero hindi ko ininda ang sakit nun.

Dahan dahan akong tumayo at sumugod sa kotse, yun yung muntik ng makabangga sakin.

Kinalampag ko ang bintana niya "Bumaba ka diyan!" sigaw ko dahil sa inis, agad akong lumayo ng bubuksan niya na ang pinto.

Lumabas doon ang lalaking maputi, nakasalamin at eksakto lang ang tangkad. Napakaformal ng dating niya sa suot niyang puting polo.

Pero pakshet! Nakabangga na pero ang kalmado parin ng Muka!?.

"May masakit ba sayo? Dalhin na kita sa hospital--"

"Hospital mo muka mo! Tignan mo!" inis kong sigaw at tinuro ko ang Skate board na nasa ilalim ng Kotse niya.

Sinilip naman niya ito at ibinalik sakin ang tingin "Babayaran ko nalang" seryoso niyang sabi at may kinuha siya sa kanyang bulsa "How much?" kalmado niyang tanong

Kumunot ang noo ko dahil iba talaga ang dating nun sakin hindi ko alam kung bakit pero nakakainsulto siya "Bigay yan ng Kuya ko tapos sisirain mo lang!?" sigaw ko

"Edi ipaayos mo, magkano kailangan mo?" kalmado niyang tanong

"Sa tingin mo maaayos pa yan!?"

Nagsalubong ang dalawang kilay niya at ibinalik ulit ang kanyang wallet sakanyang bulsa. Naglakad siya patungo sa kabilang pinto ng Kotse niya at binuksan ito saka ibinalik saakin ang tingin. Nag taka naman ako kung anong ginagawa niya.

"Alam ko kung saan ka nag aaral, ihahatid nalang kita"

"Aba! Ano ako tanga!? Bat ako sasama sayo? Baka kunin mo pa Virginity ko!" inis kong sabi at yumuko ako para kunin ang nasira kong Skate board

Patay ako kay Kuya nito'

Napahinto ako ng mapansin kong nasa gilid ko siya at napansin ko ang kintab ng sapatos niya.

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon