Chapter 7

124 18 2
                                    

Hindi ako makapaniwala na makakapasok ako ngayon sa bahay ni Sir. Grabe, kung panaginip lang ito ay ayoko ng magising. Hindi ko alam na hahantong ako sa ganitong sitwasyon. Bakit nangyayari ito saakin? Hay! Ang OA ko na e sa hindi ko talaga inaasahan ito e.

Katamtaman lang ang laki ng bahay niya at may second floor ito. Kulay puti ang pintura at brown naman ang diding. Ang linis tignan bagay talaga siyang tumira dito dahil lagi naman siyang mukang malinis.

"Upo ka muna diyan" tinuro niya yung sofa at umupo rin ako "Mag papalit lang ako saglit" paalam niya at tumango naman ako saka siya umakyat sa second floor.

Iginala ko ang paningin ko sa buong sulok at hindi mawala ang ngiti ko. Ang komportable na nga niya sakin, may kaibigan na akong lecturer.

Maya maya pa ay nag angat ako ng tingin dahil pababa na siya ng hagdan.

"Pfft" napayuko ako dahil bigla akong natawa sa itsura niya. Ang cute kasi niya. Ang luwag nung t-shirt niya at naka maong short.

"Anong nakakatawa?" tanong niya

"W-wala Sir" pinipigilan ko ang pag tawa ko

"Ano nga?" nakangiting tanong niya

"Ang luwag kasi ng tshirt mo Sir, nag muka kang hanger hahaha!" nahinto agad ako sa pag tawa at tinakpan ko ang bibig ko ng mapagtanto ko kung anong nasabi "Joke lang Sir"

"Hehe, ayos lang" sagot niya "Initin ko lang yung niluto nung kapatid ko" tinuro niya ako "Diyan ka lang"usal niya saka siya nag lakad patungo sa kusina.

"Tulungan na kita Sir" sagot ko sabay tayo at nilingon niya ako "Tulungan na kita Sir?" pag uulit ko at pahina ng pahina ang boses ko

"Ang sabi ko diyan ka lang, bisita kita" tipid na ngiti niyang sabi at umalis

"O..k" mahinang sambit ko at umupo ulit.

Napatingin ako sa wallclock at 9:43 na. Buti nalang at nag paalam ako na magagabihan ako dahil sa battle of the bands.

Napangiti ako ng maalala ko si Jeon kanina na nag pe-perform. Ang galing niya, ang swerte nung liligawan nun, tiyak na manghaharana yun.

Ano kayang feeling ng hinaharana ni Jeon?'

Nawala ang ngiti ko at nagising sa reyalidad. Sinilip ko si Sir at nakita ko siyang nakatalikod. Napangiti ako sa ideyang muka kaming mag Asawa ngayon.

Ano kayang feeling ng maging Asawa ni Sir?'

Ngayon ko pa lang naramdaman ang hiya habang pinapanuod ko si Sir na dinadala ang mga pag kain sa Round table. Pag katapos niya kasing initin lahat ay pinapunta niya na ako sa kusina niya. Nang matapos na niyang madala lahat ay umupo narin siya sa harap ko.

"Walang tatayo hangga't hindi maubos lahat ng ito" seryosong sabi niya

Tinignan ko ang mga pagkaing nasa harap ko, maraming putahi ang naka-ahin pero kaunti lang naman ang servings pero kasi, ang dami parin. Parang hindi ko yata kayang ubusin ito.

Pero nakakahiya pag hindi ko ito inubos?'

"Uy" napa angat ako ng tingin ng pinilantik niya ang daliri niya sa harap ko. Nakangiti siya saakin "Biro lang"

"Ah hehe, Sir talaga oh pero kaya nating ubusin yan Sir" biro lang din yun

"'Wag mo piliting kumain ng marami, kainin mo lang yung kaya mo"

"Ok Sir"

Inumpisahan na naming kumain ng tahimik. Sa tingin ko ay Introvert din itong si Sir, parang halata naman. Gusto kong matawa sa ideya na kapag pinag sama mo ang dalawang Introvert ay mapupuno lang ng katahimikan ang buong sulok.

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon