Simula nung nangyari yung pag uusap namin ni Sir, mas naging komportable na ako sa Subject niya. Nakakapag recite narin ako kaso sa subject niya lang. Mas naging magaan sa loob.
Habang tumatagal ay mas lumalalim ang paghanga ko sakanya. Masasabi kong siya na ang pinaka-unang naging close kong Teacher sa talang buhay ko. Lingid sa kaalaman niya na may gusto ako sakanya at wala rin naman akong balak umamin dahil alam kong masasaktan lang ako.
Hindi kami pwede at tanggap ko yun. Kahit saang anggulo mo tignan ay mahirap siyang abutin.
Lecturer siya at isa akong istudyante niya.
Mas maayos na siguro yung ginagawa ko nalang siyang isa sa mga inspirasyon ko.
"'Wag kang maingay ah, mag re-record ako" sambit ni Jeon at tumango nalang ako.
Nandito kami ngayon sa bakanteng room at nakatambay dahil vacant namin. Habang tumatagal din ay mas nakikilala ko pa si Jeon, wala kaming iwanan. Nalaman ko na magaling palang siyang kumanta, buti pa siya samantalang ako wala man lang katalent talent. Talent ko lang mag daydream.
Pinapanuod ko lang siya habang feel na feel niya ang pag kanta niya, pag katapos niya ay sinaksak niya ang earphones niya at pinakinggan siguro yung boses niya.
"Bakit hindi ka mag audition na maging Vocalist?" tanong ko sakanya at tinanggal niya ang earphones niya
"Tapos na" nakangiting sabi niya
"Oh?" hindi ko makapaniwalang sabi
Mag kakaroon kasi ng battle of the bands ngayong darating na foundation day. Medyo excited na ako dun dahil makakapagpahinga kami sa pag aaral.
"Ako na yung magiging vocalista ng 3rd year, hmp!" pinag kross niya ang dalawang braso niya at pinalakpakan ko naman siya.
"Wow naman! 'wag kang makakalimot ah" sinakyan ko nalang pagyayabang niya
"Yun nga lang lagi na akong magagabihang umuwi" nakasungo niyang sabi
"Siyempre kailangan mong mag practice, sino may hawak pala sainyo?" tanong ko
"Si Sir Flores, siya rin mag babantay samin"
Parang gustong pumalakpak ang dalawang tenga ko dahil sa narinig ko.
"Ah ok.. alam mo mahilig din ako sa mga banda banda" sabi ko at kunwareng napatingin ako sa mga kuko ko sa daliri.
"Talaga? Parang 'di naman"
Kumunot noo akong tumingin sakanya at nakita kong nakatingin siya sa screen ng phone niya "Totoo kaya, paborito ko yung Simple plan at My chemical romance" legit yun
"Hm.. Ok"
"Pwede kaya akong manuod habang nag pa-practice kayo?" nakangiting tanong ko at ibinaling niya saakin ang tingin.
Dahan dahan siyang ngumiti "Ikaw ah.."
Pakshet nahalata niya na ba!?'
"Idol mo 'ko 'no!?" tinignan niya ako ng panunuksong tingin
Tumango naman ako "Siyempre, ang ganda kaya ng boses mo" palusot ko
"Sige nuod ka, wala namang problema dun"
Masaya ako para kay Jeon dahil unti unti na siyang nag kakaroon ng pangalan dito sa University, parang kailan lang nung isa pa siyang nobody na sumasama saakin haha. Maganda talaga ang boses niya at bagay na bagay siya sa mga ganung patimpalak.
BINABASA MO ANG
They Don't Know About Us
FanfictionMalayo man ang edad namin o kahit na sabihin na nating langit siya at lupa ako, o kaya naman lecturer siya at istudyante ako, Kung Puso ko ang nag sabing siya ang Mahal ko. Wala na akong magagawa doon kundi ipaglaban ang pagmamahal ko sakanya. --- C...