Epilogue

251 21 13
                                    

Hinanda ko na ang mga gamit ko dahil out ko na.

"Bye bes!" bati ko kay Aya, ka work mate ko

"Bye bes, ingat ha"

Biglang nag ring ang cellphone ko kaya kinuha iyon at napakunot noo ng malaman kong si Daniel ang tumatawag.

"Oh?" sagot ko at kumaway ulit kay Aya saka ako lumabas.

"I'll pick you up, malapit na ako"

"Bakit? Anong meron?" takang tanong ko

"Date?"

"Haha ayos ah, pumayag ba ako ha?" pag tataray ko

"Wala ka ng choice nandito na ako"

Nanlaki ang mata ko "Saan mo naman ako dadalhin?" takang tanong ko saka ako pumasok sa elevator para makababa na.

"Kung sasagutin mo na ako ngayon, i-uuwi na kita sa bahay tapos ipagluluto ng pag kain"

Napangiti ako at pinatay ko ang linya.

Halos dalawang buwan ng nanliligaw saakin si Daniel, hindi ko pa sinasagot dahil sa takot na pumasok ulit sa isang relasyon tapos iiwan din. Pero may nag iba kasi ngayon e.

Napansin ko na mas naging showy siya saakin sa kung naong nararamdaman niya, mas naging sweet siya. Parang sabik na sabik siya sa 'Oo' ko. Tinodo ko na ang pag papaligaw sakanya dahil hindi naman niya iyon ginawa dati.

Pero ito na rin siguro yung tamang panahon para ibalik ang tiwala ko sakanya na hindi niya na ako iiwan. Ayoko na rin kasi siyang mawala pa saakin. Mahal na mahal ko siya, sobra.

Pag kalabas ko ng building ay nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya habang may dalang bouquet kaya naman kinilig ang laman laman ko. Lalo na nung makita ko ang suot niyang Cap, kung hindi ako nag kakamali iyon ang binigay kong regalo sakanya noon.

Hindi naman na niya dapat itago ang muka niya e, wala ng bawal bawal ngayon.

Lumapit ako sakanya at hindi parin niya ako napapansin.

"Pst"

Napalingon agad ito saakin at lumapit. "Hi, for you" nakangiting sabi niya at inabot saakin ang bouquet. Kinuha ko naman iyon.

"Thank you, parang ang lalim ng iniisip mo ah"

"Ikaw lang iniisip ko"

Nanliit ang mata ko dahil pinigilan kong kiligin "Edi wow"

"Hehe, saan mo gustong pumunta ngayon?"

Kumunot noo ako "Ikaw ang nag aaya diba?" napakamot siya sa batok "Tanggalin mo nga yan" natatawang sabi ko at tinanggal ko ang cap niya at ako ang nag suot. Inayos naman niya ang buhok niya.

"Hindi ko rin alam kasi, gusto lang kitang makita ngayon"

Ngumiti ako at tumango. "Tara na lang sa bahay mo" sagot ko at nag lakad patungo sa pinto ng Passenger seat ng kotse niya. "Hoy halika na" aya ko sakanya dahil nakatayo parin siya doon.

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon