Chapter 13

129 14 3
                                    

Pag kagising ko ay tinawagan ko agad si Daniel, gusto ko lang marinig ang boses niya. Sinagot naman niya ito.

"Hm"

"Good morning" bati ko

"Morning"

Napakunot noo ako ng mapansin kong may kakaiba sa boses niya "Nagising ba kita?" takang tanong ko. Madalas naman kasing siya ang nauunang nagigising saamin kasi siya ang unang tumatawag sa umaga para gisingin ako. Ayos diba.

"Hindi"

"Ayos ka lang?" tanong ko sabay bangon

"Masama pakiramdam ko"

"Halla" nag alala agad ako. Wala naman kasing mag aalaga sakanya dahil mag isa lang siya sa bahay niya.

"Sige na, papasok ka pa"

"Punta ako diyan mamaya alas Dos out ko" agad kong sabi

"Ingat"

Habang nag di-discuss ang lecturer sa harap ay lumilipad ang isip ko at na kay Daniel. Ang corny pero totoo yun.

Naka inom na kaya siya ng gamot?'

Naka kain na kaya siya?'

Kaya niya kayang bumangon?'

Marami akong naiimagine na nangyayari sakanya ngayon,tulad ng baka nanginginig siya sa lamig o kaya baka nag nosebleed siya. Hay! Uwing uwi na ako!.

Nakakapanibago tuloy na hindi ko siya nakikita ngayon. Malawak ang University pero lagi kaming nag kikita kasi gumawa ako ng paraan at alam ko ang sched niya pero ngayon hindi ko siya makikita.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag text sakanya.

:Kumain ka muna bago ka uminom ng gamot

Hindi ako nakatanggap ng reply niya hanggang sa sumunod na subject ko. Siguro nag papahinga siya o kaya tulog.

"Tahimik mo ah" sabi saakin ni Jeon at nginitian ko lang siya.

"Kailan ba ako umingay?" natatawang sagot ko

"Sagutin mo ako para umingay ka"

Natigilan ako at tumingin sakanya.

"Charito!" natatawang sabi niya

"Charito?" takang tanong ko

"Haha Char char lang yun narinig ko dun sa nga baklang kablockmate natin haha! Charito!"

Bahagya akong natawa at hinampas siya sa braso "Kung ano anong natututunan mo"

Sorry talaga Jeon mahal kita bilang kaibigan ko kaya natatakot akong layuan mo ako pag inamin ko sayong may mahal akong iba'

Napansin ko ang babaeng nakasalubong namin na ngumiti kay Jeon kaya sinundan ko ito ng tingin.

"Kilala mo?" tanong ko

"Sino? Yung babae?" tanong naman niya

"Oo"

"Oo, kaklase ko dati nung highschool" sagot naman niya

"Dun nalang tayo oh" turo ko sa bakanteng Study shed at doon kami nag tungo. "Ang ganda niya"

"Oh tapos?" bored niyang tanong

"Di mo type?" natatawang tanong ko

"May gusto sakin yun dati, inamin niya tapos nung sinabi kong ayaw ko sakanya iniwasan niya na ako"

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon