Chapter 11

133 14 1
                                    

Pagkarating ko sa University ay nakita ko agad si Jeon na nasa hagdan sa harap ng entrance kaya mabilis ko siyang nilapitan. Nang mag tama ang paningin namin ay nginitian ko siya at tumayo naman siya.

"Tara" aya ko para maka iwas sa reklamo niya.

"Sabi mo 8, 9:31 na Reen" hindi parin pala ako naka iwas

"Sorry na 'to naman, na late ako ng gising" malambing kong sagot at pinindot ko ang pisngi niya

"Pasalamat ka, mabait ako"

"Ayiieee.. Ngingiti na yan" pang aasar ko habang tinutusok ang pisngi niya natawa nalang ako ng dahan dahan siyang napangiti "Gwapo oh"

"I know"

Mas gwapo pero yung kilala ko'

Na late ako ng gising dahil late narin ako natulog dahil katawag ko si Daniel kagabi. Hindi kasi ako makatulog kaya nag usap muna kami through call, hanggang sa makatulog ako. Actually natulugan ko talaga siya hindi ko kasi napatay yung linya.

Ang sabi niya ay hindi siya makakapunta ngayon dito sa University kasi hindi naman siya kailangan. Enrollment lang naman kasi at wala naman siyang kailangang gawin ngayon dito.

Dahil mag kasunod lang naman kami ni Jeon mag pa enroll ay block-mate ko ulit siya, buti nalang.

Pag katingin ko sa schedule ko ay una kong hinanap ang pangalan ni Daniel kaso wala. Hindi ko siya lecturer ngayon Second sem. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

Pero mas mabuti na rin siguro yun, para pag nagka hulihan hindi nila masasabing nadadaya ang grade ko'

Napatango nalang ako sa ideyang iyon.

Hinintay ko nalang si Jeon kasi nag Cr siya. Sabi niya hintayin ko daw e. Baka manlilibre ulit haha. Ang patay gutom ko.

Naka upo ako ngayon sa isang study shed habang pinapanuod ang mga istudyante, trip ko lang.

"Hindi ko pa nakikita si Sir"

"Sir?"

"Sir Flores"

Napakunot noo ako ng marinig ko ang mga babae sa kabilang Shed. Siyempre pinag uusapan nila yung bf ko natural lang na lalakas ang pandinig ko.

"Halla crush mo parin 'te?"

"Oo naman, siya parin like omyghad dahling!"

"Baka may Asawa na yun"

"Wala pa, sabi nung pinsan ko paulit ulit?"

Ako yung Asawa niya!'

Pasimple ko silang nilingon at nakita kong lima silang babae. Sa tantya ko mga second year 'tung mga 'to. Pinakikinggan ko lang sila dahil baka may makuha akong chismis. Chismis na pwede kong pagselosan.

"E baka naman kasi bakla yun--"

"Gaga" binatukan niya yung nag sabing bakla si Daniel. Pinigilan ko yung tawa ko. "Wala lang jowa, bakla na agad? So tomboy ka ganun?"

"Shungaleng! Uso yung ganun ngayon 'no! Ang gwapo gwapo yun pala gwapo rin ang hanap!"

Sumasakit utak ko sainyo!'

Napansin ko yung isa na parang tarantang kinalabit yung katabi niya at bigla silang tumahimik.

Napailing nalang ako at inalis ang tingin sakanila. Kumunot noo ako ng makita si Daniel na paparating.

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon