Chapter 19

114 13 2
                                    

Sabay namin hinagis sa ere ni Jeon ang aming graduation cap at sinalo rin yun dahil hiram lang yun uy, gagastos pa kami.

"Woah who! Who!" sigaw niya sa tuwa

"Sa wakas!" sagot ko naman

"Teka selfie tayo" inakbayan niya ako at itinapat ang cellphone niya sa harap namin.

Sumakit na panga ko kakangiti dahil hindi siya mag tigil kaka click.

"Tama na uy!" pag aawat ko sakanya

"Reen!"

Hinanap ko kung sinong nagtawag saakin at napangiti ako sabay kaway kila Mama, Papa at Kuya. Papalapit sila saamin ni Jeon.

"Family mo?" tanong ni Jeon

"Hm hm, pakilala kita" sagot ko

"Congrats tol" sambit ni Kuya at nag apir kami

"Sabi sayo e!" sagot ko naman

"Picturan ko kayo" presinta ni Jeon

"Ayos lang ba hijo?" tanong ni Papa sakanya

"Oo naman po" nakangiting sagot ni Jeon, biglang umamo ang muka eh.

"Ay, Ma, Pa, Kuya si Jeon pala bestfriend ko" pag papakilala ko kay Jeon

"Bestfriend lang ba talaga? E ang gwapo nito" pambobola ni Mama, de joke lang honest siya dun.

"Ay hehe hindi naman po masyado" nahihiyang sagot ni Jeon

"Congrats ah" bati naman ni Kuya kay Jeon

"Thank you Kuya, ay akin na po yung camera niyo"

Ibinigay ko ang cellphone ko sakanya at inabot naman niya ito. Pumwesto ako nila Mama at ngumiti sa harap ng camera.

"1, 2 3, smile" nakangiting sabi ni Jeon "Isa pa po" ngumiti ulit kami "Wacky naman po"

"Paano yung Wacky anak?" tanong ni Papa

"Mag papangit ka, ano ba naman yan Pa" iritang sagot ni Mama. Updated kasi siya sa mga trending ngayon hehe.

"Yan haha!" hindi na napigilan ni Jeon na ipakita ang bunny tooth niya ng makita ang pag mumuka namin. Inabit niya saakin ang cellphone ko.

"Thank you, bakit hindi ko nakikita Mama mo?" tanong ko

"Hm? Naunan na siyang nag flight" sagot niya.

Medyo nalungkot ako kasi wala man lang siya kasama ngayong Graduation niya, sabagay bukas na rin ang flight niya.

"Wala kang kasama hijo?" tanong ni Mama ng bigla siyang sumulpot

Umiling si Jeon habang nahihiyang ngumiti, kilala ko yan pag nahihiya "Wala po e"

"Naku, halika sa bahay nag handa kami" aya ni Mama

"T-talaga po?" tanong niya at ibinaling ang tingin saakin ngumiti naman ako at tumango "Sige po"

"Yiiee.." niyugyog ko ang braso niya dahil bigla akong na-excite.

"Yiiee" panggagaya niya saakin.

Pagkarating namin sa bahay ay inaya ko muna si Jeon na pumasok ng kwarto ko habang hinahanda nila Mama yung handa ko.

"Ang cute naman ng kwarto mo" usal ni Jeon

"Siyempre, cute ako e"

"Joke yun?"

"Tse!" pag ka tanggal ko ng sapatos ko ay tumabi ako sakanya. Kailangan na naming mag usap ng matino.

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon