Mahigpit ang hawak ko sa bag na dala ko habang hinihintay ko siya. Ang sabi niya ay parating na siya. Kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari ngunit kailangan kong maging matapang.
Kailangan ko 'tong gawin para sa sarili ko, gusto kong iparamdam sa sarili ko na hindi na siya karapat dapat mahalin pa. Gusto ko sa dalawang araw na mag kasama kami ay maramdaman niya kung gaano ako kahalaga.
Pero bakit parang ayoko nalang ituloy?, bakit parang gusto ko nalang ipamuka sakanya na galit at nasasaktan ako. Gusto ko nalang siyang palayain at 'wag ng mag sayang pa ng panahon.
Napabuga ako sa hangin ng makitang paparating na siya. Huminto ang kotse niya sa harap ko at nag bukas ito ng pinto. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa bag. Ayokong tumingin sakanya hanggang sa nakita ko ang kamay niya na nakahawak sa bag ko.
Ayoko yung ibagay sakanya at para lang akong istatwa na hindi maakalais sa kinatatayuan ngayon.
"Tara na" usal niya
Matalim akong tumingin sakanya "Atat ka atang pakawalan kita ah" sarkastikong sabi ko, sa halip na sumagot siya ay kinuha niya ang bago ko saka sinakay sa kotse niya.
Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at tumingin saakin "Pumasok ka na"
Niyukom ko ang dalawang kamao ko at sumakay nalang sa loob ng kotse.
Habang nasa biyahe ay tahimik lang kami, hindi ko alam kung gaano kalayo ang rest house na sinasabi niya. Pero isa lang ang nasisigurado ko, siguro pag maayos pa ang relasyon namin ay mae-enjoy namin ito ng mag kasama.
Kaso wala na.
Sinayang niya.
"Anong... Dinahilan mo, para payagan ka?" pambabasag niya ng katahimikan
"Sabi ko sasama ako sa Camping" tipid kong sagot "Pwede ko ba 'tung buksan?" tanong ko at tinuro ko ang bintana. Tumango lang siya. Binuksan ko ang bintana at nasa labas lang ang tingin ko.
"Kamusta?"
"Heto nag mumukang tanga" walang gana kong sagot
"Hindi mo rin ba ako kakamustahin?"
Sarkastiko akong natawa at ibinaling sakanya ang tingin "Bakit pa e alam ko namang masaya ka, ikakasal ka na nga diba?" sarkastikong sambit ko at doon ko napansin na suot ulit niya yung singsing na dapat ay engagement ring namin.
Napailing nalang ako at inalis doon ang tingin.
Babaero'
"Huwag mo sabihing babawiin mo 'tung singsing na bigay mo sakin tapos ito yung magiging Engagement ring niyo?" inis kong tanong pero hindi ko pinahalatang naiinis ako.
Nakita kong kumunot noo siya at ngumisi. May nag bago sakanya "Wala naman akong sinasabi"
"E bakit suot mo pa yan?" turo ko sa singsing niya
"Hindi ko rin alam kung bakit mo 'to ginagawa Laureen, sinaktan na kita pero bakit sumasama ka parin sakin?, pero sige habang mag kasama tayo kalimutan muna natin yung nangyari--"
"Kalimutan? Hindi ko makakalimutan yun, ibalik mo na ako sa bahay ayoko na" usal ko at sumandal ako. Hinintay ko siyang mag U-turn pero hindi niya yun ginawa. "Ibalik mo na ako! Pinapalaya na kita! O ayan! Yun yung gusto mo diba!? Ibalik mo na ako!"
"Ang ingay mo"
Napanganga ako "Ibalik mo ako!"
Nung sumuko na ako kakasigaw dahil hindi naman niya ako pinapansin ay isinara ko ang bintana at natulog nalang. Ayoko siyang kausapin.
BINABASA MO ANG
They Don't Know About Us
FanfictionMalayo man ang edad namin o kahit na sabihin na nating langit siya at lupa ako, o kaya naman lecturer siya at istudyante ako, Kung Puso ko ang nag sabing siya ang Mahal ko. Wala na akong magagawa doon kundi ipaglaban ang pagmamahal ko sakanya. --- C...