Chapter 14

122 14 4
                                    

Hinagis ko ang cellphone ko sa kama dahil naka ilang tawag na ako kay Daniel kaso hindi niya sinasagot. Hindi rin ako makahanap ng tiyempo na pumunta ng bahay niya dahil nung huling punta ko sa bahay niya ay pinagalitan ako ni Papa dahil ginabi ako.

Hindi nila napapansin ang kwintas ko dahil tinatago ko ito sa loob ng kwelyo ko.

Pati si Kuya ay nasermonan din ako. Matagal na pala nila akong minamanmanan na laging late umuuwi samantalang alam lahat ni Mama ang sched ko. Kaya ito ako ngayon hindi makabisita kay Daniel sa bahay nila.

Sa tuwing nag kikita ko siya sa University ay hindi naman niya ako napapapansin.

Naguguluhan na ako sa mga nangyayari, normal lang ba ito sa isang relasyon? O baka naman nag sasawa na siya saakin? O napapagod? Pero hindi e, masyado naman atang mabilis.

Hangga't hindi ko pa nasasabi kay Jeon na may boyfriend na ako ay nag patuloy siya sa panliligaw sakin. Para sa iba alam kong pagtataksil na ito kung tawagin pero hindi kasi ako makahanap ng tiyempo para masabi sakanya ang totoo.

Natatakot ako na baka pag nalaman niya na may boyfriend ako ay layuan niya ako, natatakot ako na baka mawalan ako ng Kaibigan. Ayokong mawala saakin si Jeon.

Hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko. Ang tanga ko na.

Pero sana bago matapos ang Sem ay maamin ko na sakanya. Wala akong balak na ipaalam na si Daniel ang boyfriend ko dahil tiyak na mas masasaktan siya.

"C.R lang ako" paalam ni Jeon at tumango naman ako.

Dahil wala pa ang Lecturer namin ay nilaro ko muna ang hawak kong ballpen.

"Uy gagi lumalablyp na si Sir Flores"

Kumabog ang dibdib ko at naibaling ko ang tingin sa katapat ng upuan ko sa harap dahil sa narinig ko. Iisa lang ang Flores na lecturer dito sa University at si Daniel lang 'yun.

Anong love life?'

Itunoon ko ang buong atensyon ko sakanila.

"Nakita ko siya kahapon sa hospital may kasama siyang babae na blandina, ang ganda 'te"

"Gagi baka naman kamag anak"

"Kamag anak? Nakahawak sa bewang? Hinalikan sa pisngi si Sir? Kamag anak?"

Nangilid ang luha ko at kinalabit si Angela, siya yung nag k-kwento "Si Sir Daniel Flores ba?" tanong ko at halos huminto ang mundo ko ng tumango ito. "Sigurado ka?"

"Oo bes, binati ko pa nga siya e tapos binati niya rin ako" sagot nito

"Muka ba talaga silang mag Jowa?" tanong ko ulit habang nababasag ng unti unti ang puso ko.

"Naku bes true nga, kung ikaw makakita nun iisipin mo ring mag jowa sila kasi halata naman"

"Bagay ba sila?" tanong ko dahil gusto ko pang saktan ang sarili ko.

Para makakuha ng lakas ng loob.

"Sobra bes, blonde yung babae tapos ang ganda, sexy, chics, pero mukang mabait kasi nginitian niya ako"

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon