Dahil wala na akong Skate board ay nag lakad nalang ako. Naayos naman ni Papa yung Skate board kaso hindi ko na yun pwedeng gamitin. Hindi ko sinabi sakanila na nabangga ako ng kotse ang sinabi ko lang ay nawalan ako ng balanse at nag sarili. Kaya ayun tinawanan lang ako ni Papa at ni kuya. Ang tanga ko daw sabi ni Kuya.
May point siya.
Nahinto ako sa paglalakad at biglang kumabog ang dibdib ko ng makita ko si Sir Daniel. Mag isa itong naglalakad papasok.
May mga lalaki ba talagang pati sa likod ay ang Gwapo tignan? Bakit siya ganun?. Ang bango niya tignan at...
Sinampal ko ang sarili ko dahil kung ano anong naiisip ko. Irita akong naglakad ulit ng mabilis dahil baka ma-late ako sa first Subject ko. Patay may Subject pala kami sakanya ngayob. Monday, Wednesday at Friday ang Subject ko sakanya, tig iisang oras. Buti naman at isang oras lang kung hindi baka bigla akong mahimatay sa kaba.
Bakit ba kasi ako kinakabahan? Pakshet naman oh!.
Dating gawi, pumwesto ako sa likod dun ako kumportable ganito lagi ang set up sa mga ibang subject namin, nasa unahan yung mga mahilig mag recite, nasa gitna yung mga tahimik at mababait, nasa likod naman yung mga mukang pasaway na sawang sawa na sa amoy ng classroom, in short sawa na mag aral. Pero hindi ako ganun maaring hindi ako masipag mag aral, mag review pero nakakapasa naman.
Aanuhin mo ang malaking grade? Nakakain ba yung sobra nun?. Siyempre hindi! Ako na sasagot sa tanong ko.
May subject ako sakanya mamaya, hay.. Ano kayang ipapagawa niya'
Sinampal ko ang sarili ko habang mariing napapikit. Mental Abuse siya! May gayuma ba yung mga titig niya kaya hindi yun mawala sa isip ko!?. Hindi mawala sa isip ko yung mala pusa niyang mga mata! Yung kinis at puti ng kanyang muka, lalong lalo na yung istilo niyang napaka-kalmado.
Pero muka siyang masungit'
"Ate ok ka lang?"
Nilingon ko yung katabi kong lalaki at tipid akong ngumiti dito. Wala ako sa mood makipag usap at ang kapal ng muka niyang tawagin akong Ate !? Eh mas muka nga siyang mas matanda sakin!.
"Bring out one whole yellow pad" utos ng lecturer
Kumuha ako ng isang pirasong papel sa loob mismo ng bag ko dahil pag nilabas ko ito tiyak na maraming hihingi. Ang mahal kaya ng yellow pad.
Binuksan ko ang takip ng ballpen ko at napansin ko ang katabi kong lalaki na palinga linga sa paligid at wala pang yellow pad sa desk niya. Napairap ako sa kawalan at bumuntong hininga. Kumuha ulit ako ng isang pirasong papel at walang sali-salitang inilapag ito sa desk niya.
"Ay thank you ah"
Walang gana akong tumango at sinimulan ko ng sagutan ang apat na essay. Hindi ako magaling sa English kaya kung anong unang pumasok sa utak ko ay yun na ang sinasagot ko. May kwenta naman ang Point of view ko kahit papaano.
"Anong english ng 'Lahat tayo ay may kanya kanyang talino'?"
Napahinto ako sa pag sulat at napahilot ng ilong.
Anak ka ng tilapya, ang ayoko sa lahat ay ang ganitong katabi!'
Walang gana akong tumingin sakanya at nakita kong nakatingin siya sa sagot ko kaya padabog kong binaliktad ang papel ko kaya tumingin saakin ito at ngumiti.
"Lagay mo diyan We are all smart" seryoso kong sagot
"Yun, tama" sagot niya
BINABASA MO ANG
They Don't Know About Us
Fiksi PenggemarMalayo man ang edad namin o kahit na sabihin na nating langit siya at lupa ako, o kaya naman lecturer siya at istudyante ako, Kung Puso ko ang nag sabing siya ang Mahal ko. Wala na akong magagawa doon kundi ipaglaban ang pagmamahal ko sakanya. --- C...