Chapter 20

138 12 1
                                    

:Nakausap ko si Ma'am Maiden at nabalitaan ko sakanyang namatay ang asawa ni Sir Flores, pabalik na siya. Ayiieee aasa na yan!. Bye hehe.

Isang linggo na ang nakalipas simula nung umalis si Jeon, nag chat kami one time kasi busy rin siya. Ayokong i-open yung topic tungkol sa text niya, kunware nalang hindi ko na receive. Nakakainis kasi laging sumasagi yung text siya sa isip ko.

Kagaya ngayon, binabasa ko na naman. Napapaisip tuloy ako kung siya ba tung nakita ko sa Airport nung araw na hinatid ko si Jeon. Kung siya nga iyon, bakit parang pumayat naman ata siya? Mas bumata pa ang itsura.

"Hmp! Hay naku Jeon kung nandito ka lang tatapyasan ko talaga yang ilong mo!" sabi ko sa sarili at bumangon na rin.

Ngayon ang Job interview ko sa trabahong ina-applayan ko. Medyo kinakabahan ako kasi first time ko, baka kung ano ano pa ang masabi ko.

Nag suot ako ng pencil cut na palda tapos polo na kulay pastel pink para malinis tignan. Ayoko mag heels kaya humiram ako ng doll shoes kay Mama medyo maluwag pero ok na, baka matapilok pa ako pag nag heels ako. Tinali ko ng buo ang buhok ko at kaunting make up.

"Muka na akong tao" sabi ko habang nakatingin sa salamin.

Naitama ko ang tingin sa skate board na katabi ng salamin kaya napangiti ako ng may naalala. Umiling ako at inayos ang sarili, ayoko na maalala yun.

Nakakainis ka talaga Jeon!'

Napansin kong medyo marami kaming aplikante na nag hihintay mainterview, mas lalo tuloy akong kinakabahan. May mga nakita pa akong ka batch ko kaya nag ngitian kami. Ayoko makipag usap sakanila, wala naman akong sasabihin e.

Nang marinig ko ang pangalan ko ay biglang nangatog ang tuhod ko. Pumasok ako sa loob ng opisina at ngumiti sa HR dahil muka naman siyang mabait at maganda pa.

"Good morning Ma'am" nakangiting bati ko

"Good morning" nakangiting sagot niya

Ito na!'


••••••


Ayos lang saakin ng makita ako ng ibang taong nakangiti mag isa. Sino namang hindi mapapangiti mag isa kung natanggap ka na sa trabaho! Sa wakas isa na akong may kwentang tao sa lipunan.

Pumunta ako sa isang Convenient store para bumili ng pag kain, gusto kong mag celebrate mag isa ngayon. Saka ko na ibabalita kila Mama na may trabaho na ako.

Pag katapos kong bumili ay pumunta ako sa park para ubusin ang mga binili kong pag kain. Nakatingin lang ako sa kawalan habang sumisipsip sa straw ng banana milk. Nahawa na ako kay Jeon nagugustuhan ko na rin kasi ang lasa ng banana milk. Sayang nga lang wala siya ngayon.

Tawagan ko kaya'

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang messenger. Nakita ko ang green dot sa tapat ng pangalan niya kaya napangiti ako at agad siyang tinawagan.

"Yow yow yow yow!" sambit niya agad ng masagot niya ang tawag ko, napangiti naman ako ng makita ko ang muka niya.

"Yow! May trabaho na ako" balita ko

"Talaga? Wow congrats ako din, ngayon ang start ko" nakangiting sagot niya

"Talaga? Yiiee congrats satin!" kinikilig kong sabi at pinakita ko sakanya yung iniinom kong banana milk

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon