PROLOGUE

21 5 0
                                    


Ako ay isang anghel na ibinaba sa lupa
para sa isang misyon.

Ang pagbaba sa lupa ay hindi lang
para sa misyon ko.

Para din yon sa pagtubos ng aking
naging kasalanan habang
ako'y anghel pa.

Wala akong misyon na
hindi natatapos at nalalampasan.

Lahat 'yon ay nagagawa
ko ng mabuti, malinis, at maayos.

Hindi sa pagmamayabang, pero
ako ang pangalawang dictated fallen angel.

Kaya kong idikta kung ano ang
nangyari ng nakaraan o
mangyayari ngayon, bukas o kahit kailan.

Minsan ko nga lang itong magamit
sa misyon.

Ngunit iba ngayon.

Ni isa ay wala silang tinira sakin.

Tanging common na kakayahan
lamang.

Siguro dahil ito na ang aking
magiging huling misyon, bago umakyat
ng langit.

Nakaplano na ako.

Maayos na.

Ang kinaiinisan ko lang,
ay tanging isang nilalang lang ang
sumira ng lahat.

Ang mas nakakainis pa,
walang akong magawa ni isa.

Paano na nga lang kung matakpan
ng isang kakaibang pakiramdam
ang inis na nararamdam ko?

Paano na lang kung dati ay
gustong gusto ko ng umakyat ng
langit dahil sa kaniya, ngunit ngayon ay
parang ayaw ko ng umalis?

Ginayuma ba ako ng taong 'to? Tss.

Fallen Angel [Angel Series #1]Where stories live. Discover now