Vein

9 2 0
                                    


Bilib na ako kay Ryo! Ilang beses niya akong pinapalakpak!

Ha! Sabi ko na nga ba't titino rin 'to. Pinatagal niya lang.

Naisip ko na baka tapos na ang misyon ko kaya bumalik na ako kay Oliver.

   "Hindi ka pa pwede umakyat dahil hindi pa tapos ang iyong misyon." OA. Hindi ko pa nga sinasabi, alam na niya kaagad.

Wait, ano daw?!

   "Pakiulit nga! Hindi ko narinig! Bingi na rin ata ako!" Sabay lapit ng tenga ko sa kaniya.

Bastos niya lang dahil hinipan niya ang tenga ko. Para tuloy akong totoong nabingi.

   "Bakit hindi pa ako pwedeng umakyat? Tapos ko na yung misyon ko! Naging mabait na si Ryo!" reklamo ko. Hmp. Paasa.

   "Ang sabi, kailangan mong malaman kung ano ibig sabihin ng pagibig. Hindi baguhin ang ugali ng binabantayan."

Huli na ng makita ko ang sarili ko sa loob ng kwarto ni Ryo.

Speaking of Ryo..

Natutulog.

Nasulyapan ko ang laptop nito sa tabi ng kaniyang kama.

Sa sobrang curious ko kung ano ba talaga 'yang pagibig na 'yan, ay naisipan kong magsearch.

Alam ko gumamit ng ganito dahil 'yung dati ko binantayan ay adik sa gadgets.

Napatigil ako sa pagpipindot ng marinig ang boses ni Ryo.

   "Alam kong nand'yan ka, kaya magpakita ka! Hindi ako natatakot sayo!"

Bigla kong napatay ang laptop. Si Ryo naman ay mas lalo pang gumilid sa dulo ng kaniyang kama.

Sa sobrang pagkataranta ko ay naisipan kong umalis na doon at sa bintana ako dadaan.

Pagbuka ng aking pakpak ay aksidenteng lumipad ang ilang buhangin noon papunta sa mata ni Ryo.

Naestatwa ako.

Nakita kong nakapikit na si Ryo.

Yari ako nito.

Pagdilat niya ay napatitig ako sa kaniya.

Bakas ang pagkagulat sa mukha nito kaya nagmadali akong umalis at lumipad palayo doon.

Yari ako kay Oliver nito. Huhu.

Fallen Angel [Angel Series #1]Where stories live. Discover now