"Bakit bawal pa ako umakyat?" nakanguso kong tanong kay Oliver.Hmp. Paano naman kasi, sabi niya nung nakaraan ay ngayon ang araw ko para umakyat. Tapos ngayon, sasabihin niya hindi pa pwede? Nakakainis kaya.
"May sala ka pa. Kaya hindi pa pwede." Mas lalo akong napanguso sa sagot nito.
"Ano nga 'yung sala ko? Para mabayaran ko." Nagpapadyak kong tanong. Ayaw naman niya kasi sabihin eh!
"Alam kong alam mo 'yon." ani nito bago ilipat ang librong naglalaman ng mga pangalan ng mga anghel na aakyat patungong langit.
Napaisip ako sa sinabi nito. Ano ba kasing sala ko?
Ah, alam ko na! Yung ano! Ah oo! Baka 'yon!
"Alam ko na kung anong sala ko!" Napatingin sakin si Oliver. "Hindi ba 'yun yung sinunog ko 'yung pwet ng nang-rape sa bata kahapon? 'Yun 'yon 'di ba?" Napailing si Oliver sa sinabi ko. Bakit? Hindi ba iyon 'yon?"Eeeh. Ano nga kasi sala ko?" Pangungulit ko. Bakit kasi hindi na lang niya sabihin kaysa sa kinukulit ko siya? Baka naman gusto niya lang talagang kulitin ko siya? Aha! Ako pa hinamon niya ha!
Binaba muna nito ang feather na hawak niya bago diretsong tumingin sakin. Ngumiti naman ako ng todo.
"Gusto mo talaga malaman?" Sunod sunod akong napatango. "'Yung three law wishes. Oh. Alam mo na 'yan." sabi ni Oliver bago bumalik muli sa pagtingin ng aklat niya.
Sana all bumabalik, 'di ba?
Three law wishes? Three law wishes? Three law wishes?
Unti unting nanlaki ang mata ko ng maalala ko na kung ano 'yon!
Nakita ko namang napangiti si Oliver.
Siguro tinatawanan ako nito dahil napaka-ulyanin ko! Ha! Napakasama ng ugali nitong Oliver na 'to!
"Anong misyon ko?" Mabilis kong sabi. Huhu. Wala akong choice. Eto na 'to.
Mas lalong napangiti si Oliver. Mukha tuloy siyang baboy. Hehe.
Mukhang nabasa niya ang nasa isipan ko dahil bigla itong sumimangot. Nagpeace sign naman ako kaagad. Mahirap na baka sa impyerno niya ako ipadala.
May lumabas na maliit na ulap sa bandang gilid niya pagkatapos niyang pumitik gamit ang daliri.
Napatingin ako doon sa ulap at binasa ang nakasulat.
"Kailangan mong malaman kung ano ang ibig sabihin ng pagibig."
YOU ARE READING
Fallen Angel [Angel Series #1]
FantasyVein Velasco. A second angel who called an dictated-fallen angel. She pasts many missions. And it is all succeed. Until an accident came. She didn't noticed that she used the three law wishes to an worthless man. Oliver, a greatest-old-fallen ange...