EPILOGUE

9 2 0
                                    


After 2 years...

Dalawang taon na ang nakalipas mula nung huling nagpakita si Vein kay Ryo.

Sa dalawang taon na 'yon, narealize ni Ryo na mahal na niya si Vein.

Nakakalungkot nga lang na kung kailan wala na ito ay tsaka niya pa lang ito minahal.

Masaya si Ryo ngayong araw dahil natupad na niya ang hiling ng kaniyang mga magulang sa kaniya nung ito'y nabubuhay pa.

Ngunit mas masaya sana siya ngayon, kung nandirito ang kaniyang ginawang inspirasyon.

Si Vein.

Nagkayayaang magcelebrate sina Van, Lay, at Ryo.
Sa bahay daw nila gaganapin, pero may pupuntahan daw muna sila.

Napagpasyahan nilang sa kalapit na coffee shop na lang magkita-kita.

Pagpasok ni Ryo sa coffee shop, ay aksidente siyang nakabangga.

Muntikan ng matumba ang babae, buti na nga lang at nasalo ni Ryo ito.

Naestatwa siya ng mamasdan ang mukha ng babae.

Pamilyar iyon sa kaniya.

Naalala niya bigla si Vein. Miss na miss na niya ito.

   "Vein.." mahinang wika ni Ryo.

Nagulat siya ng biglang napatayo ng tuwid iyong babae.

Mabilis itong nagsorry sa kaniya't nagpasalamat bago umalis.

Hindi na niya sinipot ang kaniyang mga kaibigan para sa gaganaping selebrasyon.

Basta ang alam niya lang ay sinusundan niya ng palihim iyong babae.

Napahinto siya ng mapahinto din ito.

   "Lumabas ka na. Alam kong kanina ka pa nakasunod sakin." sabi nung babae.

Wala siyang nagawa kundi lumabas na lang din sa pinagtataguan at nakayukong humarap sa babaeng may hawig sa minamahal niya.

   "Bakit mo ako sinusundan?" deretsong tanong ng babae sa kaniya.

Napakamot siya ng batok at nag-aalinlangan kung titignan niya ba ito dahil nahihiya siya.

Malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan bago diretsang tinignan ang babae.

Biglang nagflashback sa isipan ni Ryo ang lahat ng nangyari sa kaniya kasama si Vein.

Inisip niya na si Vein ang kaniyang kaharap kaya walang pakandungang sinabi niya lahat dito ang kaniyang hinanakit simula ng umalis ito.

   "Alam kong imposibleng maging ikaw siya, pero hayaan mo muna akong magsalita." muling huminga ng malalim si Ryo bago tumingala at tumingin sa kaharap niya.

   "Miss na miss na kita. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa part ko na bigla ka na lang umalis ng walang paalam. Gusto kong magalit sayo dahil pinaramdam mo sakin kung paano magmahal, gayong pinaramdam mo din sa akin kung paano masaktan ng pangalawang beses. Ang sakit, Vein. Sobrang sakit. Dati, hindi ako takot kung may mawala man sakin  dahil wala na ang mga magulang ko na siyang kinakatakutan kong mawala. Ngayon, 'yung taong pinakatatakutan kong mawala, ay wala na din. Minsan napapatanong ako. Bakit kung kailan masaya na ako, 'saka ka pa nawala? Bakit kung kailan nakahanap na ako ng paghuhugutan ng lakas at inspirasyon, 'saka ka pa umalis? Bakit kung kailan naramdaman ko na muling magmahal sa unang pagkakataon, 'saka mo pa ako iniwan?" Sunod sunod na pumatak ang luha ni Ryo. Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Tila nakiayon ito sa kaniya.

Wala sa sariling napahawak siya sa pisngi ng babae.

   "Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na makita ka muli, hindi ako magdadalawang isip na sabihin ang lahat ng 'to sayo." Saglit itong ngumiti bago magpatuloy.

   "Mahal kita, Vein. Matagal na. Hindi ko alam kung paano at kailan. Basta pagmulat ng mata ko, ikaw na kaagad ang hinahanap nito." Hinawakan nito ang kamay ng babae at itinapat ito sa kaniyang dibdib.

   "Kung nasaan ka man ngayon, sana maging masaya ka." Nabitawan nito ang kamay ng babae. Hindi nila alintana ang malakas na buhos ng ulan.

   "Masaya ako dahil nakilala kita. Masaya ako dahil dumating ka sa buhay ko. Masaya ako dahil pinaramdam mo sa aking magmahal kahit na pansamantalaga lang." Napayuko si Ryo. "Mahal na mahal kita, Vein. Mahal na mahal kita."

   "Mahal na mahal din kita, Ryo." Napatingala si Ryo sa narinig. Tila tumigil ang kaniyang oras.

   "Vein.." mahina muling wika ni Ryo.

Napangiti si Vein.

   "Ako nga, mahal ko." Hinaplos ni Vein ang pisngi na Ryo, na walang tigil sa pagiyak sa sobrang saya.

Hindi niya maisip na ang kaniyang hinihiling na bumalik, ay nandito na sa kaniyang harapan.

   "Natutuwa ako dahil gumraduate ka, sa dami mong nagawang kalokohan." Napatawa sila parehas. "Akala ko, hindi iyon tutuparin ni Oliver. Nagkamali ako."

   "A-anong ibig mong sabihin?" tanong ni Ryo na siyang lalong nagpangiti kay Vein.

Hinawakan ni Vein ang kamay niya.

   "Naalala mo ba yung three law wishes na sinabi ko sayo dati?" tanong pabalik ni Vein.

Naikwento niya na kasi iyon sa kaniya. Hindi pa nga naniwala sa kaniya si Ryo at sinabing baka niloloko lang siya ni Oliver, kaya doon nagalit si Vein at nagbangayan sila.

Tumango si Ryo.

   "Ang isa ay para sa?" Naniniguradong tanong ni Vein. Tinitignan niya kung tanda pa ba ni Ryo. Sinabi niya kasi noon na tandaan niya iyon, kung sakaling umalis man siya.

   "Kinabukasan ng tao." Nakangiting sagot ni Ryo.

   "Ang pangalawa naman ay para sa?" Muling tanong ni Vein.

   "Taong binabantayan." Kaagad na sagot ni Ryo.

   "At ang huli.." Pinutol siya ni Ryo.

   "Ay para sayo." Mas lalong napangiti si Vein dahil sa sagot ni Ryo.

Talaga ngang tinandaan niya ito.

   "Kaya ka nandito kasi..." Sa pangalawang pagkakataon, si Vein naman ang pumutol kay Ryo.

   "Hiniling ko na magkaroon ng katawang tao para maging permanente na ako sa tabi mo." Sa sobrang saya ni Ryo ay mabilis niyang niyakap si Vein.

Napatawa si Vein bago yumakap din sa kaniya pabalik.

Tuwang-tuwa ang dalawa dahil sa wakas, malaya na din sila.

Hindi napigilan ni Ryo ang labis na galak na nadarama, kaya kaniyang nilapit ang kaniyang mukha sa mukha ni Vein, bago iparamdam ang tamis ng kaniyang pagmamahal.

The End.

Fallen Angel [Angel Series #1]Where stories live. Discover now