Ryo

13 3 0
                                    


Iba talaga kapag gwapo. Pinagkakaguluhan. Tss.

   "Ano, pre? Okay pa? HAHA." tanong ni Van. Isa sa tropapits ko. Kagaya ko, gwapo rin. Mas lumamang nga lang ako.

   "Kakayanin. Para sa kagwapuhan." Napatawa naman si Lay sa sagot ko. Nainggit siguro.

   "Lakas, pre." ani Lay bago tapikin ang balikat ko. Pinakyuhan ko na lang siya. Nangaasar na naman eh.

Katulad ng nakagawian, tuwing recess ay naghahanap kami ng mabibiktima para mapagtripan. Gawain na namin 'to nila Van simula elementary. Naging buhay na din namin.

   "Ayon pre. Mukhang hindi pumapalag. HAHAHA." Napatingin ako sa tinuro ni Van. Ayos nga. Mukhang mahinhin.

   "Oh ano, pre? Ako na ba?" tanong ni Lay tapos tumayo. Hinawakan ko ang braso nito at hinila paupo.

   "Ako na. Kaya ko na 'to. Just watch, fuckers." Tunayo na ako at nagtungo sa babaeng target namin. As always, sinusundan na naman nila ako ng tingin.

Pagkarating ko roon ay umupo ako sa katapat nitong upuan. Lonely ang style niya. Kaya sasamahan ko na. Bait ko 'di ba?

Napatingin ito sa akin. Ngumiti naman ako ng todo.

Kailangan kong ipakita ang pangcommercial kong ngipin. Baka sakaling maturn-on, magpakagat sakin.

Lumingon ako saglit kila Van na mukhang nagpupustahan na. Napangiwi ako. Gawin ba naman akong manok, sa gwapo kong 'to?

   "Hi, baby." sabi ko habang nakangisi. Naging kulay kamatis naman bigla ang mukha nito. Tsk. Mukhang isa siya sa mga fangirl ko.

   "A-ah, h-hi." bahagya pa itong yumuko. Hinawakan ko ang baba nito. Nagsimulang umingay ang cafeteria dahil sa ginawa ko.

Nilapit ko ang mukha ko dito kaya napapikit siya. Akala niya siguro hahalikan ko siya. The hell! Ang pangit naman kung siya ang magiging first kiss ko!

Sari-saring tawanan at rant ang nabuo sa paligid pagkatapos kong tapunan ng buong cake ang mukha niya.

Nakangisi akong tumayo at umalis para sana pumunta na kila Lay na halos mahiga na sa sahig kakatawa. Nang bigla akong makaramdam ng parang may mabigat na nakapatong sa ulo ko.

Tumingala ako para sana tignan 'yon pero, POTA BA'T PA AKO TUMINGALA?! KUNG HINDI AKO TUMINGALA EDI SANA WALANG SPAGHETTI ANG MUKHA KO NGAYON! ARGH!

Galit akong napatingin sa paligid para tignan kung sino ang walang hiyang gumawa no'n sakin.

Paglingon ko naman ay walang ibang malapit sakin, maliban dun sa babaeng nilagyan ko ng cake sa mukha.

Hindi ako nagdalawang isip na sugurin iyon at kwelyuhan.

Mabilis naman na nagsipunta sakin sila Lay at Van para awatin ako. Isang bulong ni Van ang nagpatino sakin.

'Hindi mo gugustuhing makita ka ni Kaye sa ganitong sitwasyon.'

Fallen Angel [Angel Series #1]Where stories live. Discover now