Vein

11 3 0
                                    


So sino 'yung Kaye? Kapatid ba 'non si L?

Ba't hindi na lang si Tamin ang binulong nung Van na 'yon? Para atleast malaman kong may kambal ako kahit kunwari lang.

VeinTamin. Oh diba. Hehehe.

Naboring ako magbantay kay Ryo kaya naisipan kong tumambay muna sa taas ng isa sa mga gusali ng school nila.

Feeling ko puro rich kid nag-aaral dito. Siguro yung iba, scholar. Ah, hayaan na nga. Feeling lang naman eh.

Atleast nga ako may feeling, 'yung crush mo sayo wala.

-

Ilang araw ang lumipas, wala pa ring nagbago.

Except sa relasyon niyo.

Araw-araw nambubully itong Ryo na 'to. Naturn-off tuloy ako bigla.

Kung anong kinaganda ng panlabas niya, siya namang kinapangit ng loob niya.

Aymali, may 6pack abs pala siya.

Take two na lang.

Kung anong kinaganda ng panlabas niya, siya namang kinapangit ng ugali niya.

Araw-araw ko ding binabalik sa kaniya kung anong ginagawa niya sa kapwa niya estudyante.

Kahit na alam kong bawal, kung ikadedesiplina niya rin naman, bakit hindi?

Ang problema nga lang, parang hindi naman nadedesiplina. Mas lalo pa ngang lumalala eh.

Haynako. Bakit kaya sa dinami dami ng tao sa mundo, eto pang taong 'to ang naisipan ni Oliver na bantayan ko?

Pwede namang 'yung mga bata na lang sa kalsada na palaboy laboy ang bantayan ko.

O hindi kaya, 'yung mga may saltik na lang sa ulo sa mental hospital.

Atleast doon, hindi ako mahihirapan.

Hindi katulad ngayon na kahit anong galaw ni Ryo ay kinasasakit ng ulo ko.

Katulad ngayon.

   "Hindi ba kayo marunong magluto, ha?! Bingi ba kayo?! Ang sabi ko, ayoko ng caldereta! Adobo gusto ko! Adobo!" sigaw ni Ryo sa isa sa mga katulong niya. Tagaluto ata nila 'to. Medyo matanda na eh.

Mangiyak ngiyak naman na yumuko 'yung matanda.

Tss. Anong karapatan niyang sigawan si ateng Ale? Oo pala, siya may-ari ng bahay. Malamang may karapatan siya.

   "Y-yes, sir. P-paumanhin po. M-magluluto na lang ako ng b-bago. B-basta huwag niyo lang po a-ako t-tanggalin sa trabaho." May natira atang dictated power sa katawan ko kaya sumagi sa isip ko na tatanggalin ni Ryo si ateng Ale sa trabaho.

Kaya bago pa mangyari 'yon ay mabilis kong pinalutang ang isang plato sa lababo at mabilis na binagsak ito sa sahig. Ayon, basag.

Pakiramdam ko success dahil iba ang sinabi ni Ryo sa sinabi niya sa isip ko.

   "Fvck. Bingi na nga kayo, tatanga tanga pa kayo." At doon na nagwalk-out ang lolo niyo.

Sorry kay ateng maganda pero pandak na nasisi dahil sa ginawa kong pagbasag.

Huhu. Ambad ko na.

Fallen Angel [Angel Series #1]Where stories live. Discover now