Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa taas ng isang gusali.Napatingin ako sa kabuuan nito.
Kahit na ilang beses na akong napapadpad sa ganito ay hindi pa rin ako nagsasawang mamangha sa ganda ng tanawin.
Ang galing talaga ni Bathala.
Tinignan ko ang aking pakpak. Parang mas lalo itong lumiwanag.
Ganito talaga siguro kapag aakyat na ng langit. Mas lalong gumaganda, hehe.
Habang naglilibang ay isang puting feather ang lumitaw sa aking harapan.
Kinuha ko ito at tinignan.
'Ryo Agustin. Juanito Building.
14th floor. 348 door."Ryo Agustin? Ah. Baka ito yung babantayan ko.
"Kailangan mong malaman kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig."
Paano ko malalaman 'yung pagibig don, kung ito lang nakalagay dito? Dapat may nakalagay din na, Computer shop on ... Ganern.
Hindi na ako nagaksaya ng oras at lumipad na sa himpapawid para hanapin ang nakasulat doon.
Juanito Building. Juanito Building. Ayon!
Napangiti ako ng makita ko kaagad ang gusali na 'yon. Ha! Kala mo ha! Si Vein ata 'to! Ang magaling na dictated fallen angel!
Ngayon, kailangan kong malaman kung saan ang kwarto nito.
14th floor. 348 door.
Aha! Nakita rin kita!
Napapalakpak tuloy ako ng wala sa oras.
Papasukin ko na sana ang pinto na 'yon nang isang nilalang ang niluwa ng kwarto.
Pakiramdam ko naghart bigla ang mata ko dahil sa gwapong nilalang na nasa harapan ko.
Napangiti ako lalo ng tumingin ito sa gawi ko.
Yayakapin ko na sana nang bigla niya lang akong daanan para pumunta sa likuran ko.
Ouch. Oo pala, anghel ako. Anghel na maganda.
Ano ba 'yan. Parang mas lalo akong mapapatagal sa pinaggagagawa ko eh. Behave na nga ako.
Aw, aw.
Nabalik ako sa wisyo.
Eto na siguro si Mr. Ryo. Infairness, ang yummy ng fafa niyo!
'Nasa'n na yung behave, Vein?'
Hinintay ko na lang ito makalabas at hindi na pumasok pa sa loob.
Mamaya kung ano pa makita ko don. Charot.
Paglabas nito ay nakasuot na ito ng uniporme. Mukhang may pasok siya ngayon.
Sinundan ko lamang ito hanggang sa mapadpad kami sa school niya. Napaawang ang labi ko sa ganda at lawak.
Grabe. Parang hindi school ha. Parang hospital.
Pagbaba ni Ryo sa kotse ay nagsitilian ang ibang estudyante at lumapit pa sa kaniya para magpapicture. Yung iba, para tsumansing. Kaniya kaniya nga lang hokage.
Sikat pala ang fafa niyo, mga teh.
Sa bagay. Gwapo na yummy pa. At mayaman pa. Oha! Sa'n ka pa! Mag-shoppee ka na!
Jok. HAHAHAHA.
YOU ARE READING
Fallen Angel [Angel Series #1]
FantasyVein Velasco. A second angel who called an dictated-fallen angel. She pasts many missions. And it is all succeed. Until an accident came. She didn't noticed that she used the three law wishes to an worthless man. Oliver, a greatest-old-fallen ange...