Simula nung makita ko ang anghel na 'yon, wala na kaming ginawa kundi magbangayan at mag-away.Ang mas nakakainis pa, madalas akong mapagkamalang baliw dahil nagsasalita daw ako mag-isa.
Tapos bebelatan ako nitong pasaway na anghel na 'to. Hindi na lang ako bumabawi.
Sa bahay lang, dahil walang nakakakita sakin do'n kung sakaling maghihihiyaw man ako mag-isa.
Nagtampo nga lang siya dahil tinulugan ko daw siya kagabi kaya sarili na niya lang ang kaniyang kinausap.
Sabi ko naman, ipapasyal ko siya sa park, pambawi. Tuwang tuwa naman. Akala mo hindi pa nakapunta ng park.
Sa gitna ng paglalakad namin ni Vein ay may nakabangga siya.
Nahulog ang gamit nito kaya tinulungan niya itong abutin sa kaniya.
Napatigil ako.
Paanong makakabangga si Vein ng tao? Gayong anghel nga siya?
Napatingin ako sa lalaki. Hindi ko makita ang mukha dahil nakasumbrero.
Iaabot na sana ni Vein ang libro sa matanda, nang bigla itong napatigil sa hindi ko malaman na dahilan.
Lumingon si Vein sa akin.
Kita ko ang lungkot sa mata nito.
Hahawakan ko na sana ang kaniyang kamay, nang bigla na lamang siyang naglaho kasama ang matandang 'yon.
YOU ARE READING
Fallen Angel [Angel Series #1]
FantasyVein Velasco. A second angel who called an dictated-fallen angel. She pasts many missions. And it is all succeed. Until an accident came. She didn't noticed that she used the three law wishes to an worthless man. Oliver, a greatest-old-fallen ange...