Ryo

11 3 0
                                    


Nakita ko 'yon. Nakita ko kung paano nabasag 'yung plato.

Napaisip ako. Hindi kaya minumulto na talaga ako nina mom at dad? Tsk. Pakelam ko naman kung minumulto nila ako.

Kinuha ko 'yung laptop ko at sinearch sa search bar kung ano ang mga senyales ng minumulto.

Sa gitna ng pagsscroll, aksidente kong nasulyapan ang article tungkol sa angel. Nakalagay kasi iyon sa most searches.

Napatawa ako ng mahina.

Sino namang tanga ang magsesearch ng ganito? Kalokohan.

Hindi ko namalayan na pinindot ko na pala 'yon at nagtingin-tingin na din ng malalaman.

Ilang article na din ang nabasa ko, pero isa lang nagustuhan ko.

Sabi dito na, kapag nagbalak ka daw pumatay ng tao, lalabas ang anghel, kung meron man.

Hindi sa naniniwala ako sa angel, pero wala namang masama kung hindi ko susubukan hindi ba?

At tsaka, ang sarap kaya mantrip. HAHAHAHAHA.

Kinaumagahan ay maaga akong pumasok.

Kinontak ko kaagad sila Lay at Van at sinabi ang plano ko na sinangayunan nila kaagad.

Habang nagkaklase ay wala kaming ibang pinaguusapan kundi iyong prank na gagawin namin mamaya.

Napagisipan namin na si Kylie na lang ulit ang target namin. Tutal hindi pa ako nakakabawi doon ng tapunan niya ako ng spaghetti sa mukha nung nakaraan.

Recess namin isinagawa ang plano.

Gaya ng nagpagusapan, lilibangin ko si Kylie at sasabihing ililibre ko siya pang peace offering dahil sa ginawa ko sa cafeteria dati.

Mabilis naman siyang mauto kaya hindi kami nahirapan nila Lay.

Si Van? Ayon, inutusan kong libangin si Kaye para hindi masaksihan ang gagawin ko dito sa campus. Baka kasi pumunta iyon dito, mayayari ako.

Kaya ngayon, si Lay muna ang makakasama ko.

Piniringan ko na si Kylie at sinabing may suprise ako sa kaniya. Katulad nung una, muli na naman siyang nagkulay kamatis.

Dahan dahan ko siyang inalalayan papuntang rooftop.

Nagtanong siya kung bakit ang tagal. Akala niya daw kasi ay sa cafeteria lang.

Sikreto akong napangisi.

Nagsimula na namang magbulong bulungan ang iba. Kesyo daw nililigawan ko si Kylie kaya paano na daw si Kaye. Tsk. Mga ulolen.

Pag-akyat namin ng rooftop ay sinigurado ni Lay na nakalock ang pintong dinaanan namin para walang makaistorbo.

Nang ayos na ang lahat ay tinanggal ko na ang piring ni Kylie.

Nawala ang ngiti nito ng mapagtanto kung nasaan kami.

At doon ko na ginawa ang plano namin.

Akala ko, magiging success.

Pero pota, may dumating na na pulis lahat lahat wala pa ring anghel na lumalabas.

Ang kinalabasan, sa presinto ang tungo ko.

Maduga si Lay dahil nakatakas. Walang hiya.

Isa lang ang masasabi ko ngayong araw.

Tangina, na-scam ako!

Fallen Angel [Angel Series #1]Where stories live. Discover now