Chapter I: Ang Nakaraan

7.3K 110 2
                                    


"This can't be happening!", pasigaw na sabi ni Michael. Kasalukuyan siyang nasa hospital habang kausap niya si Dr. Prieto. Matapos ang ilang araw sa hospital, ngayon pa niya nakausap ng solo ang naging doctor ng kanilang pamilya na si Dr. Prieto. Ito na rin ang naging doctor ng mga magulang at kapatid ni Michael simula nung isang taon. Kamag-anak nila ito at malaki ang naitulong ng kanilang pamilya sa buhay ng doctor kaya bilang tanaw na utang na loob, tinanggap ni Dr. Prieto ang pagiging doctor ng kanilang pamilya.

"I am so sorry Michael, but we cannot do anything about it. That is a very rare disease. Iilan lang ang may case ng Peyronie's Disease. Sa buong mundo, wala pang gamot na nakakalunas sa sakit na to. This is not to make you being hopeless. But this is to tell you the truth. But we are doing our best to find cure sa sakit mo.", mahinahon na sagot ng doctor.

"Parang pinatay na rin ng sakit na to ang kalahati ng buhay ko, auntie.! Sh*t! Wala bang gamot to? Bakit ako? Bakit ako pa?", mangiyak ngiyak na tanong ni Michael. Di na niya mapigilang maiyak sa pighating naramdaman.

"For now, just take the medicine na naka-prescribed for you. Gumawa ka rin ng mga bagay-bagay na makakapagpabuhay ng iyong pagkalalaki. Like the usual things na ginagawa ng mga lalaki. Make things that make your manhood back to life. Go hang out with girls. Watch some porns. That will be a big help.", tugon ng doctor na halatang pinapakalma si Michael.

"Sh*t! Sh*t! Sh*t! Bakit nangyari to? Why??!!", sigaw ni Michael.

Napabuntong-hininga na lang ang doctor. Nasasaktan din siyang nakikita ang pamangkin niyang naghihirap at nagtitiis sa sakit.

"Maiwan muna kita dito Michael. May nurse na pupunta sayo dito mamaya to check on you. Please, be prayerful. I am a doctor but i would say, magdasal ka! Di lahat napapagaling ng doctor. May Diyos Michael. Just trust Him.", wika ng doctor. "And by the way, papunta na dito ang mga parents mo from Canada. They said their arrival is this afternoon. Bukas din dadalaw dito ang kapatid mo.", dagdag nito bago tuluyang umalis sa kwarto.

Mag-isa na si Michael sa loob ng private room ng Prietos Doctor's Hospital. Patuloy pa rin itong umiyak na may halong pagsisisi. Di niya lubos akalain na ganito ang kasasangkutan ng kanyang pagka-aksidente. "Bakit di na lang ninyo ako pinatay Lord? Bakit pinapahirapan niyo pa ako?", nasabi niya lang sa sarili.

Ilang oras ding tahimik ang kwarto. Tanging hagulhol lang ni Michael ang gumawa ng ingay at ang tunog ng aircon. "Lord! Kung andiyan ka man. Bakit?! Bakit ako?! Parusa mo ba to sa akin?! Bakit mo ba ako pinarurusahan? Did i deserve all of these?",maya-maya'y pabulong ni Michael na nakaharap sa kisame ng kwarto. Unti-unting bumalik sa kanyang isipan ang mga nangyari noong siya ay hindi pa naaksidente. Noong wala pa siyang sakit. Noong bago mangyari ang aksidente. Naalala niya ang mga kantarantaduhang pinagagawa niya sa kanyang buhay.

FEW YEARS AGO...

"Damn! Michael! Sino na naman tong tumatawag sa telepono? Bakit di mo na lang ibigay yang phone number mo para diyan na lang sila tumatawa!", naiiritang sabi ni Charlotte, ate ni Michael, nang muli na namang nag-ring ang telepono ng bahay.

"Sis, just relax. Mapapagod din yan. Kung ayaw mo marinig ang tawag, eh di putulin mo na lang yang linya ng telepono para wala ng tatawag.", patawa-tawa na sagot ni Michael habang naglalaro ng mobile legends sa kanyang cellphone sa loob ng kanyang kwarto.

"Di ko alam kung kapatid ba talaga kita. Hay naku! Ano bang kasalanan naming mga babae sayo at pinaglalaruan mo kami? Naku Michael ha, baka sa akin mapunta ang masamang karma sa mga pinagagawa mo. Pang-ilang babae na ba yan?", tanong ni Charlotte.

"Can you just please stop asking non sense questions? I am playing here. Just go to your room sis. You are annoying!", sagot ni Michael na panay pindot sa phone niya.

THE UNEXPECTED ARRIVALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon