Chapter XVI: Ang Katotohanan

1.3K 29 5
                                    

"Sige, itetext ko sayo kung saan. I really need someone to talk with tonight."seryoso niyang sabi.

"Okay.", sagot nito.

"Thank you so much, Joshue.", at ibinaba niya ang kanyang cellphone. Huminga siya nang malalim at dali-daling naghanda. Wala siyang ibang pwedeng makausap na malapit niyang kaibigan kundi si Joshue lamang, ang nakababatang kapatid ni Joshua.

____________________________

FEW MONTHS AGO...

"Hello babe. Kamusta ka na?", sabi ni Charlotte kay Joshua. Nakaupo lang siya sa higaan ng kanyang apartment sa araw na yun at kakalipas lang ng monthsary nila ni Joshua. May lagnat ito kaya hindi ito maaaring makipagkita sa kanya.

"I am doing great babe. Bumaba na ang lagnat ko. Sorry, i can't make it to meet you up.", sagot nito na halatang nauubo pa ang boses.

"That's okay babe. Bakit hindi mo kasi ako papuntahin diyan sa inyo? 3 months na rin naman tayo.", sagot niya na sabay ngiti. Gusto niyang biruin ang nilalagnat niyang boyfriend.

"Not now babe. And i am doing fine." ,sagot naman nito sa kabilang linya. "By the way, my brother will meet you today. I asked him to bring the gift for you.", tugon nito sa kanya.

"Sus. Nag-abala ka pa. Hindi naman mahalaga ang regalo.", sagot niya. Alam ni Charlotte na hindi naman mahalaga sa relasyon ang pagbibigay ng regalo. Tiwala at pagmamahal para sa kanya ang pinakamahalaga. "At saka inaabala mo pa ang kapatid mo. Hindi ko rin naman kilala yun.", dagdag pa niyang sabi.

"Nag-aaral kasi siya diyan sa Maynila and siya lang ang naisipan kong magdala ng regalo for you. Sorry babe, i really can't make it.", anito. "Papunta na rin siya diyan. Nasa kanya na rin ang phone number mo. Mayamaya, tatawag yun."

Walang nagawa si Charlotte. Huminga na lang siya nang malalim at humiga sa kama. Gusto niyang si Joshua na lang ang magbigay ng regalo sa kanya. Iniisip niyang pwede naman i-delay na lang ang pagbibigay ng regalo. "Hay naku! Sige na nga. Para ma-meet ko rin naman kahit isa sa mga kapamilya mo.", pabiro niyang sabi.

Alam niyang nag-usap na sila ni Joshua tungkol sa pakikipagkita niya sa kanyang pamilya. Sabi ni Joshua sa kanya na pag-aabot na sila ng isang taon ay bago pa siya ipapakilala sa pamilya nito. Mahal niya si Joshua kahit magkaiba ang pananaw nila sa buhay.

"Salamat babe. At saka hindi naman nangangagat ang kapatid ko.", nagbibiro ito sa kanya.

Tumawa siya at narinig niyang tumawa din si Joshua. "Sige babe. Magpahinga ka na ulit. Magpagaling ka. I really miss you.", sabi niya.

"I miss you too. Goodbye babe.", sagot nito.

"Sige bye. I love you."

"Love you too babe."

At pinatay niya ang tawag. Ibinaba niya ang cellphone at tumayo para makapaghanda. Iniisip niyang mayamaya din ay tatawag na ang kapatid ni Joshua. Hindi pa niya ito kilala dahil hindi naman ito ipinakilala ni Joshua sa kanya. Ang alam niya, tatlo silang magkakapatid at si Joshua ang pinakakuya. Si Joshue naman ang kasunod at Joshane ang pinakabunso. Ngunit ni isa sa kanila ay wala pa siyang na-meet. Dahil siguro 3 months pa lang din sila ni Joshua at malayo pa ang isang taon para ma-meet na niya ang pamilya nito.

Lumipas ang ilang oras, may tumawag na isang 'unknown number' kay Charlotte. Tantiya niya, ito na nga si Joshue. "Hello? Sino to?", sagot niya. Saglit niyang pinause ang movie na pinanood niya sa kanyang laptop.

"Hi. Is this Charlotte?", sagot nito.

"Yes, speaking. Who is this?", ulit niyang tanong.

"Ate, si Joshue po to. Kapatid po ni Joshua. May nasabi po ba siyang ipapabigay sa inyo?", sagot nito ulit.

THE UNEXPECTED ARRIVALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon